27 October, 2009

ABC (Ang Magulong Alpabeto Ng Pag-ibig)

A: :'(

B: what's wrong?


A: wala na sir.

B: what do you mean?


B: im all ears...

B: are you going to bail me too? im sorry for what happened. it hurts me knowing you are hurting. and it hurts me more because i can't do anything. sigh.


B: are you okay? please let me know you are and i'll stop bugging you. i just want to make sure you are fine...


B: **** are you okay? gee, i hope you have a slightest idea how worried i am now. great! why am i like this anyway?


B: here i go again, ignored as ever. i just hope you are fine.

A: i think i'll need a towel more than anything else. i'm a piece of crap. i am an inconsistent type of shit. i can't balance and juggle my problems at the same time. we broke. i initiated. for reasons i don't want to. mahal ko pa siya, and i wont cry this much kung hindi. im sorry, im talking shit here. glad you are there... thanks!

B: i hope dreams can clear things in your head. screw the pain, it'll fade. this is an apeshit i know, but you guys will be fine.

mahal ni B si A. alam ni A yun pero committed na siya kay C . matagal na may gusto si B sa kanya. friendster days palang yata eh hinahabol habol na ni B si A. nagkataong malungkot siguro si A kaya napansin niya si B. nakatext. nakausap. pero maliwanag kay B na hindi puwede. kahit minsan naguguluhan siya. kasi naman to si A, sweet. soulmates daw sila. eh pano na yung si C? mahal daw ni A si B at si C. magkaiba nga lang daw ng level. ayun isang gabi nagtext si A kay B. wala na raw sila ni C. mahal daw nya si C pero ayaw daw nya madamay ito sa mga personal niyang problema. nagpayo si B. kahit para sa kanya masakit malaman na nasasaktan si A. pinayuhan nya sa abot ng kanyang makakaya.

kaplastikan para sa iba. maraming katulad ni B ang nakakasalamuha natin. nagtatago ng nararamdaman dahil natatakot na masira ang kung ano man ang meron sa kanila ng taong mahal nila. may mga kaso rin na matapang. nagsasabi ng nararamdaman. deadma na kung ano ang kahihinatnan. kung ano ang kalalabasan. sa dinami daming porsiyento sa mundo ng mga numero, 1 out of 100 lang ang chance mo na makuha ang puso ng taong mahal mo. pathetic. pero totoo.

maraming tulad ni A ang may C pero nakikipag chuvahan pa sa mga katulad ni B. may masisisi ba sa kanila? si A na hindi kuntento o sadya lang pinanganak na magiliwin sa lahat ng tao. si B na nagmamahal at alam ang kinalulugaran o sadyang sinasamantala ang pagkakataon kahit may karelasyon na ang taong mahal niya. naghihintay ng awa. nanglilimos ng atensyon. o si C na nagkulang o lumabis ang pagmamahal at walang kaalam alam sa eksenang nagaganap.

pagod na siguro kayo makarinig ng mga dahilan galing sa mga partners ninyo. kesyo traffic, maulan, late nagising, i need space, i need time, i need the whole wide world. etc...

classic din yung dahilan na ayaw mo madamay sa mga problema mo ang mahal mo.

pero diba kung mahal mo ang taong yun, handa ka ibahagi ang lahat ng pangit sa iyo. ang lahat ng marumi ng madungis ng masama. dahil dun mo malalaman kung kayang kaya ka niyang tanggapin ng buo. ng totoo. ng walang halong pangiimbot.

para saakin, kung hindi mo kaya ibahagi sa taong mahal mo ang kalungkutan at problema mo, hindi mo rin kaya ibahagi sa kanya ang kaligayahan, tagumpay, puso pagmamahal at buong pagkatao mo.

myk2ts r2r.png

7 Pakelamera:

dencios said...

sabi nila, "mas maganda na umiwas/umalis kana habang mahal mo pa ang isang tao.."

pusangkalye said...

""i hope dreams can clear things in your head. screw the pain""---sana nga para matulog nalang ako for life.hehe. siguro

Boying Opaw said...

Sabi nila nabuhay daw ako ulit. Pero ito ang totoo.

Ayun, mangenge-alam ako. Hahaha. Meron akong ipopost na medyo related dito sa entry mo. Hahaha. Abangan. (Nag plug lang noh?)



JTSS,
Boying Opaw

Myk2ts said...

dencios: diba po mas mahirap yun? salamat sa pagdaan :)

boying: aba maligayang pagbabalik. nakakamiss ah, sulat na! :)

Pgala: sana nga nadadaan lang lahat sa tulog no? para pag gising, muta nalang ang heartaches

sp00fed said...

para saakin, kung hindi mo kaya ibahagi sa taong mahal mo ang kalungkutan at problema mo, hindi mo rin kaya ibahagi sa kanya ang kaligayahan, tagumpay, puso pagmamahal at buong pagkatao mo.

--- sooobrang agree ako jan.. naging B rin ako :)

pusangkalye said...

Myk2ts--oi--talaga? s January? try Bohol bee farm as well then day trip kanalang iba resorts. hehe

fjordz said...

sa totoo lang napaisip ako rito.. may point ka..ako kasi, hindi ko sinasabi ng personal yung mga problema ko sa mahal ko. Gaya ng isang rason mo, ayoko kasi talaga siyang idamay sa mga problema ko.

hayz! as if pwede ko pang ibalik ang time...

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy