13 May, 2009

Wala Akong Maisip Na Titulo Sa Kuwentong Ito

life has it's way of making us realize how lucky and unfortunate we are. sometimes it's ironic because we can't find what we are looking for. what we like. what we love. the reason? kasi masyado tayong malayo tumingin. we tend to oversee the things that could really make us happy and contented in life. we look. we wander. we search. and yet we get dissapointed dahil hindi natin makita kung ano yung hinahanap natin...

-- Enz, 19




naalala ko pa nung una kaming magkita. hindi ko akalaing makakasundo ko siya. malikot kasi masyado. madaldal. maingay. sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, naasar ako sa kanya. siguro dahil gusto ko na ako lang ang magulo. ang maingay. ang madaldal.

isang araw habang hinihintay namin si Mr. Rebolado para sa aming unang klase sa araw na yon, naisipan kong tumabi sa kanya. wala naman siyang reaksyon. isang tipid na ngiti lang ang binigay ko nung tanguan niya ako.

"ayaw mo ata sa upuan mo" sabi ni Enz.
"mainit duon eh. tabi ng bintana, baka umitim ako" sagot ko.
"kahit ano naman ang kulay ng tao eh. ang importante yung nasa ilalim ng balat mo"

nagtatalinu-talinuhan nanaman ang mokong. pa-talinghaga effect pa sa mga salitang binitawan. pero tama nga naman. kaya pinatulan ko.

"sabagay. may pagkakaiba ba ang maputi sa maitim pagdating sa ugali? wala naman diba?"

hindi na siya nakasagot. dumating na ang guro at nagsimula na ang klase.

yuon ang simula ng aming pagkakaibigan. simpleng usapan. palitan ng opinyon, batuhan ng kuro kuro. hindi ko akalain na sa taong ito ko pa maririnig ang mga salitang makakapagpamulat saakin. ang makakapag pahalaga sa mga bagay na nasa aking paligid. minsan masyadong nakapokus ang aking mata sa harapan. hindi ko nakikita ang mga bagay na nasa ibaba, sa gilid, sa tabi.

minsang kumakain sa canteen, nakatabi ko si Enz. nagtanong siya kung bakit daw ako magisa. sabi ko naman ayaw kumain nung iba kong kasama kaya susunod nalang ako sa kanila pagtapos ng kinakain ko.

"hindi mo naman kailangan mag-isa. minsan kailangan mo lang magtanong. mag-aya"
"o sige, tara, samahan mo ko, kain tayo" alok ko.
"sige, tapos na ko. pero sasamahan nalang kita"

maraming mga bagay na ginagawa si Enz na hindi ko nabigyang halaga. hindi ko napansin. hindi ko namalayan. kaya naman huli na ng maisip ko at maramdaman ang kanyang halaga. nasabi na nya yung mga kataga na nabasa mo sa unahan ng kuwentong ito. nakaalis narin siya at ang pamilya niya para manirahan sa Canada.

myk2ts r2r.png

1 Pakelamera:

lucas said...

["sabagay. may pagkakaiba ba ang maputi sa maitim pagdating sa ugali? wala naman diba?"]

sa US tingin ko, yung discrimination sa mga blacks became a factor on their behavior. bakit kasi may issue pang ganun? ahehe!

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy