hehehe... siguradong magagalit ka pag nakita mo to. ayaw na ayaw mo kasi tong picture na to eh. sabi mo mataba ka tignan. after to ng walang humpay na lakaran natin sa Tampines. nagpabili ka ng inumin kasi nakakapagod. naisip ko kunan ka sa hagdan papuntang MRT Station. kaso kakapili ko ng artistic na angulo, ayun eto ang lumabas. nakasimangot ka pa. hehehe... pero kahit ano pa man, kahit sinasabi mo na mabilbil ka, kahit hypertensive ka, kahit na mainitin ang ulo mo minsan, kahit na tinatamad ka minsan magluto, ikaw pa rin ang BEST nanay sa buong mundo. nagpapasalamat ako sa iyo sa maraming bagay. hindi ko kaya isaisahin sobrang daming magagandang katangian ang nasaiyo. daig mo pa ata ang nag master's sa pagiging nanay. nakikiisa ako sa lahat ng anak na bumabati at nagmamahal sa mga inang katulad mo. hindi ako magiging ako kung hindi sa pagpapalaki mo. Ma, HAPPY MOTHER'S DAY.P.S.
sana sa susunod na out-of-the-country natin, libre mo ulit ako ng airfare :)





1 Pakelamera:
happy mother's day sa mom mo :)
Post a Comment