28 December, 2008

Ate

dahil sa pakingshet kong schedule, hindi ko naasikaso ang mga bagay na dapat kong inaasikaso. ayun nakisabay pa tong net connection ko kaya ngayon lang ako nakapag log on dito.

kaya naman babatiin ko kayo ngayon ng MALIGAYANG PASKO. alam ko huli na pero wala pa namang three kings kaya pasok pa ren sa banga.

diba nga yung mga abubot pangpasko inaabot ng ganun katagal? kaya ihalo nyo na sa hamon ang pagbati ko :)

wala namang gaanong kakaiba ngayong paskong ito. malamig (literal) kagaya ng mga nagdaang panahon. napansin ko lang na hindi ganun ka-garbo, pero di nangangahulugang hindi ganun kasaya. maraming paraaan ang mga pinoy para gawing masaya at makahulugan ang nasabing okasyon. besides, it's being together as a family and not what's on the table diba?

kagaya ng drama namin. super simpleng dinner at midnight. kwentuhan at konting wine. pasko na!

kaya naman heto ako ngayon, habang walang ginagawa, nanood ng nanood ng HP:Goblet Of Fire. namiss ko kasi yung mga eksena ni Rob. at ayoko muna siyang makita bilang vampire. gusto ko isang HS student na yummy. yummy pati wand!

change topic.

yung larawan sa taas, yan yung araw na tinry namin magpaBelo. hindi kami tumuloy. dalawa yung reasons namin.

-mahal.
-walang mababago kahit magbayad ng mahal.

hindi siya dumating sa party na hinanda ko para saamin nung nakaraang anuwebe. diba?! sino ba namang Baretto ang hindi magagalit? ikaw na nag effort, ikaw pa ang inindian. kaya nasabi ko, tablahan.

naturingang kakambal ko pa!

end of friendship!

pero hindi ko natiis. sinubukan ko, pero nung magtext na siya ng kung anik anik, Go na ako sa Gateway para makipagmit.

hindi matatawarang tawanan, sigawan, iyakan, tawanan ulit at tinginan sa loob ng isa't kalahating oras.

its not enough for us but we dont have the time kaya pinagkasya nalang namin ang kung anu ang meron.

to my Jaboom Twin, be back. be safe. i've already said those words and keep those in mind. we are just here waiting. heal yourself and be merry! invite mo kami jan sa mansyon mo! conquer CDO!

aha! che! rayt!














myk2ts r2r.png

16 Pakelamera:

Anonymous said...

nino already left mare? ohhh.. miss ko na yang darnang yan! miss ko na kayo, super! anyhow, i'm happy na you're growing up now.. di na mashadong matampuhin.. hahahaha... miss yah mare and u know na love na love kita kahit kulot ka pa!

Kape Kanlaon\ said...

ahahha... me too.. pakingshet sked.. pero hindi ako magpapaawat! hahahaha
goodluck and happy holidays

Kosa said...

angsaya!
anaka ng taena.. buti ka pa my jaboom twin ka! saan mu ba nabili yan? susubukan ko nga ding bumili...

maligayang pasko pa rin myk2ts...lolss

Anonymous said...

mykeepot mismis n kita sobra :(

wanderingcommuter said...

aaawwww... parang nauuso ngayon ang mga friendship posts...

pareho tayo pakingshet ang schedule ko!!!

lucas said...

hanep...hindi ka pa rin naka-move on sa charisma ni eduard cullen ha? ahehehe!

kakaiba ang krismas nagyon but it still christmas. i guess it's the how the people see the true meaning of the season that did the trick... :)

happy new year mykt2s! :)

Myk2ts said...

Mayora, i am, and those i owe to God and my family and ofcourse to all of you! parang speech lang sa MMFF dava? i need to talk to you, call me asap

Myk2ts said...

lance, nako pareho pala tayo, nakakaloko na ang sched buti nalang masaya sa office no? hows new year and christmas celeb? hope it's all good :)

Myk2ts said...

kosa, naku mahirap makakita ng ganyang balyena pero swerte paren, marami jan, kelangan mo lang bigyan sila ng chance :) maligayang 2009 :)

Myk2ts said...

yeinie, i sooo misss you more mare, i just hope we could get together soon :)

Myk2ts said...

Ewic, nako kaya natin to, biniyayaan tayo ng magandang suweldo kaya bumabawi na ngayon sa schedule hehe :)

Myk2ts said...

Lucas,
im glad to know you're back. nakakaaddict naman kasi yang bampirang naka volvo na yan eh. hehe, happy 2009! mahirap man ang buhay, kakayanin natin to with Him on our side :)

Savage Heart said...

Hay naku mare... panu na lang ako.. para akung na balian ng pakpak sa pag alis ng tunay na Dyosa nating kapatid...

Ito at ibang level na independency dahil nag iisa na lng din ako sa bahay hehehehe

Myk2ts said...

Khimmy: korek. wala na nga si chris umalis pa si jaboom. that's really sad but i know babalik din ang tyahin mo, sandali lang yun dun. mamimiss nuon ang pizza! :)

Savage Heart said...

May Tama ka jan gurl!!!! kakabugin ni bakla ang Homecoming concert ni Kyle Minogue dahil may comeback daw sya.. abangan na lang daw hahahaha

sabi ko wag nyang kalimutan mag dala ng isang bayong na gulay at buhay na manok!! hahahaha

Myk2ts said...

mareng ronnan, wag talaga nya kalimutan samahan ng papayang hilaw at malunggay para maitinola! haha kabog!

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy