750 pesos.
naalala ko, ito yung damit na binalik-balikan ko sa Glorietta. palagi ko itong iniikutan. sinukat ko. tinitigan, tapos ibinalik ko na sa rack. tumalikod na ko at pinasok ang aking kamay sa aking bulsa. may mangilan-ngilan ding barya akong nakapa. mga papel. resibo.
papel?
"thanks for helping me out kanina sa class, i owe you one. treat kita minsan"
yun yung mga linyang nakasulat sa maliit at dilaw na sticky note. magulo ang pagkakasulat. parang nagmamadali. mukhang nanginginig ang mga kamay. madiin. pero puno ng sinseridad at pagpapasalamat.
sus. para yun lang. nasabi ko lang naman sa kanya ng palihim habang wala sa ulirat ang Trainer na nagtatanong. nabanggit ko lang naman na salary ang other term for the word emolument. napapahiya na kasi siya. at alam kong ayaw nya yun.
hindi lang yun ang unang beses na naging knight in shining armor ako. hindi naman siya palaging damsel in distress pero nagkakataon na may mga negatrons sa paligid niya. hindi maubos kaya minsan, naisip ko na magvolunteer na maging tagapagtanggol nya. taga tahi ng butones na biglaang natanggal. taga-punas ng kape na tumapon sa damit niya. taga sabi na may ipis sa likuran niya. yung mga yun. mga simpleng ek ek sa buhay na pakiramdam ko e nakakatuwa sa pakiramdam ko na maging tagapagtanggol at tagapag silbi niya.
hindi naman siya tahasang humihingi. kadalasan nga ay palagian na siya ang nagooffer ng kung ano ang meron at kung ano ang kaya nyang ibigay. hindi siya madamot. makapal siya maglagay ng gel sa buhok. at palagi niyang tinitignan ang sintas ng sapatos nya kung nakatali ng maayos.
mga bagay na napapansin ko ng hindi niya alam. hindi niya nahahalata na minsan ay nabilang ko kung ilang beses nya pinagpag ang panyo niya minsang malaglag ito sa sahig. sinubukan kong hiramin at sa kanyang pagkagulat, pinagpag muna ng makailang ulit bago niya inabot saakin.
lumabas ako sa mall. naglakad ng palayo. malalaki ang hakbang na ginawa ko. habang nasa loob ng aking bulsa ang aking mga kamay, pilit ko iniisip kung bagay nga ba saakin yung damit na yun. kung tutuusin, mahal para sa isang simpleng damit. manipis ang tela. malambot. pero maganda sa hubog ng aking katawan, bagay sa okasyong aking dadaluhan. iba ang dating. ibang iba lalo na ng sukatin ko sa fitting room. sa harapan ng salamin, inamin ko na bagay ito saakin. na gusto ko ang damit na yun. na maraming beses ko siyang isusuot.
pero hindi ko maintindihan kung bakit hinubad ko iyon. dahan dahang inayos ang pagkakalukot. maayos na ibinalik sa pagkakasabit.
gustong gusto ko siya dahil sa kabila ng mga ugali niya na nakatutuwa naman, may iba sa kanya na hindi ko kaylanman nakita o hahanapin sa iba.
pero mas pinili ko na iwan ang isang taong alam ko na may patutunguhan.
kagaya ng damit na aking tinalikuran.
sa aking pagbalik, kahit na akin na itong bibilhin... at sana'y mamahalin,
nakasupot na at iba na ang may bitbit.

8 Pakelamera:
hey, how are you related to bob ong? hehe. nice post. nice composition. great organization.
thanks. i don't know him from adam, but still, i am glad you liked my entry. hey are you okay? i read about your Ondoy experience.. hope you and your family are okay.. :) Godbless!
this one of the best i've from you, my friend... i love the analogy. but unfortunately for us, falling in love is not something we can buy and wear...
galing!
ron! thanks! yeah, we cannot just wash it away if it is stained. sob... but yeah, we all have to move on and hope for the better. :)
i'm so proud of you mars... you've gone a looong way with your blog. keep it up... wondering who that person you're refering to? hmmm... ;)
nice post..sana nga makatagpo siya ng mamahalin ng lubos..kahit hinubad mo na siya ay siguro naman may pupulot pa sa kanya..
wow.. hehe ayos ah.. at last natapos ko din basahin hehe naputol kasi nung isang gabi..
back to the comment, good job!
nakakalungkot nga at ma-emo. pero ayos lang yan marami din ang emo sa mundo yung iba nga lang eh ayaw tanggapin sa sarili nila.
Anonymous: parang kilala kita... hehe onga. siya yung nasa cab :)
Arvin: salamat ha? sana nga eh. mahirap na minsan maghintay. sana din, yung nakapulot sa kanya eh lalabhan siya at lagyan sana siya ng downy :)
Neolocco: tama. acceptance should be coming from within. at pag natanggap na nila na emo nga sila, dun palang matatanggap ng ibang tao ang pagiging emo nila. salamat :) sana nga ay dumami pa ang mga emo-inspired stories.
Post a Comment