06 July, 2009

Rest Well, But Not In Peace, Thieves.

ninakaw ang cellphone ko.

badtrip diba?

kaya naisip ko nalang na ipagdasal ang limang kalalakihan at isang babaeng nagtulong tulong para ako ay lansihin at agawan ng gamit.

mabuti nalang at telepono ko lang ang nakuha.

wala ng iba.

mas masakit kung yung wallet ko. o kung sinaktan nila ako.

kikitain ko den yun.
mapapalitan.

masakit nga lang sa bulsa.
pero atleast hindi ako ang magdudusa.

naniniwala ako na kung saan ka nabubuhay ay doon ka rin mamamatay.

hindi ko gustong isisi sa kahirapan ang nangyari. hindi kahirapan ang ugat ng krimen. maraming mahihirap at minsa'y pati may mga kapansanan ang pinipilit mabuhay ng marangal. magtrabaho at kumita ng tapat. kaya kung kaya nila, mas lalong kaya ng mga magnanakaw.

malalakas at malalaki sila pero hindi nila ginagamit sa tamang paraan.

nakakapagtaka lang kung pano nila napapakain ng galing sa nakaw ang pamilya nila.

NAKAKAAWA.
myk2ts r2r.png

8 Pakelamera:

<*period*> said...

tsk,,dont worry, sigurado mas maganda ang ipapalit ni bro

Kape Kanlaon\ said...

sorry to hear about your loss.. let's pray for their souls..

yeinie said...

waaaa buti hindi kaw sinaktan ng mga gagong un :( tama mapaplitan ang material n bagay mare, pero sana luminis pa ang kaluluwa ng mga un. mismis n kita :)

wanderingcommuter said...

may dalawa kang pwedeng isipin:

una, may tinatawag tayong karama.

ikalawa, isipin mo na lang may buhay kang natulungan sa isa muling panibagong araw.

lucas said...

nako naman...buti n lang pangit yung phone ko kaya walang nagtatangkang magnakaw...hehehe!

don't you worry, there's a karmic balance in the Universe..hehe

kcatwoman said...

condolence sa celphone mo. di bale at least you were safe and only a phone was taken

http://kcatwoman.blogspot.com

Unknown said...

nangyari din yan sa mudra ko ang msaklap nga lang buong bag nya ung nakuha.. but still pasalamat parin ako dahil walang nangyaring msama sknya and syo.. :)

-your lurker-
Charee

Myk2ts said...

onga, tama kayo lahat... pero gamit lang yun, mapapalitan :) teka miss ko na kayong LAHAT!

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy