24 October, 2010

Unfollowed.

tignan mo nga naman ang pagkakataon. parang kailan lang nung huli ko siyang makita. naalala ko pa ang damit na suot nya. kung paano siya yumuko at tumalikod at humakbang papalayo. hindi ko man nakitang mabuti ang mukha niya, narinig ko naman ang malakas na sigaw ng damdamin niya.

sa bawat minutong lumilipas mula ng tagpong iyon, wala na akong hiniling kundi ang makita siyang muli. makausap. marinig ang tinig. at alam ko na sa bawat hiling na aking sinasambit, patuloy ang paglayo ng katotohanang mangyayari ang aking minimithi.

maraming luha ang naganap na dumaloy. mga salitang masasakit at minsan ay tagos sa dibdib. maraming araw ang parang hindi kumpleto at gabing walang haplos ng liwanag mula sa buwan na marikit. malungkot ang buhay na dumaan at walang tigil ang pintig ng pusong parang pinatay dahil sa bugbog ng kalooban.

mahal ko parin siya. INAAMIN ko na hanggang sa mga oras na ito, habang isinusulat ko sa buong mundo ang nararamdaman ko, siya parin ang nilalaman ng puso ko.

pero hindi yata ako handa na makita syang muli.

dahil sa pagkakataong ito, sa bawat hakbang niya palapit sa kinalulugaran ko, pilit ko iniiwasan ang kanyang sulyap na maaring dumapo sa kinatatayuan ko.

wala akong magawa kundi ang mahilam sa luha mula sa aking mga mata. akala ko ay kaya ko ng harapin ang isang taong may malaking dahilan kung bakit ang pag-ibig ay totoo at hindi para saakin.

lumayo siya ng hindi ako napapansin. kagaya ng damdamin ko na sakanya'y walang silbi.

mabigat sa paa, ngunit kailangan kunin ang hakbang patungo sa tamang daan. sana ganoon lang kadali ang kalimutan siya. dahil kung ganoon, tatakbuhin ko itong nakapikit at hindi ako titigil pa.
myk2ts r2r.png

2 Pakelamera:

Anonymous said...

ouch. mahusay ang pagkakasulat.

Myk2ts said...

Salamat sa pakikihati sa kurot ng puso kaibigan :)

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy