09 June, 2009

Punlay Ni Tatay (Alay Sa Aking Fudra)

medyo close ako kay mama. lumaki akong palaging nakabuntot sakanya kaya naman sa tuwing kuwentuhan tungkol sa mga magulang, siyempre bida si mama. siya ang madalas kong isabak sa pataasan ng ihi pagdating sa kung sino ang pinakamabait na ina. siyempre walang papatalo diba?

hindi dahil sa galit ako sa tatay ko o galit siya saakin. walang ganun. hindi lang siguro dinulot ng tadhana na magkaroon ng panahon at pagkakataon na magkaroon kami ng eksena sa buhay para masabing close kami.

noong bata pa ako, naalala ko na ginagawa naman ng tatay ko ang kung ano ang dapat gawin ng isang ama para sa kanyang mga anak at asawa. pero hindi sapat iyon dahil alam kong may problema sila ni mama bago pa man ako ipanganak. kung ano man yon, kagaya rin ng mga problemang napanood niyo sa pelikula ni Vilma, Maricel, Sharon at Nora.

pero ngayong hunyo, alam kong araw ng mga tatay. bagaman wala akong maikuwentong kahit anong masaya o malungkot dahil tila estranghero kami sa isa't isa ng tatay ko, nais ko sanang handugan ng pagpupugay ang taong pinanggalingan ng punlay na bumubuo ng aking pagkatao.

maligayang araw ng mga fudra, ama.

para sa mga na touched, panoorin nyo ito. make sure may baon kayong panyo...


myk2ts r2r.png

2 Pakelamera:

Unknown said...

father's day na nga pala...

HAPPY FATHER'S DAY !!!

anglungkot naman nung commercial myk!!!

ZaiZai said...

happy fathers day sa fudra mo! :)

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy