BINUKLAT ko ang libro at nagsimula ng basahin ang mga pahina ng nobela ni Nicholas Sparks. tungkol ito sa asong alaga ng isang biyuda. galing ito sa kanyang asawa matapos nitong mamayapa. magulo kung iisipin, pero ayoko ng idetalye pa ang istorya ng libro.
alam ko na maaga pa ako ng limang minuto, pero mas gusto ko ng ganun. naalala ko nung mga panahong maayos pa ang samahan namin, hindi ko kailanman naisip na paghintayin siya. pero katulad ng karaniwang tao, may mga pagkakataong nahuhuli ako ng dating sa aming tagpuan.
balak ko sanang makipagkita ngayon. hindi pala balak. makikipagkita ako sa kanya. kahit na walang kasiguraduhan na dadating siya. matagal na ng huli nya akong kausapin. walang sagot sa mga tawag at text ko sa kanya. huling kita ko din sa kanya ay nung birthday ko pa...
maraming nangyari ang hindi ko gusto ngunit wala akong magagawa, kaya inisip ko, suntok sa buwan ito. kung dadating siya, di mabuti... kung hindi, ayos lang din. iniisip ko nalang na hindi siya pupunta para hindi ako madissapoint. pero pano kung pumunta siya? handa ba ako?
naalala ko tuloy nuong araw na yun. magkikita kami... anuwebe ng disyembre, kaarawan ko...
ako: ooops, sorry, nauna ka pa saakin :( na traffic ako eh...
siya: okay lang, dito lang ako sa loob, mainit kasi sa labas eh...
ako: o sige, malapit na ako... bilang ka ng 1-20.
cute. sabi ko, hindi pa man niya tapos bilangin ang labingdalawang numero na yun, nandon na ako. ihahatid ko kasi siya sa opisina nila ngayong kaarawan ko. hindi ko din alam kung bakit ba hanggang ngayon, hindi pa niya ko binabati. nakalimutan kaya niya? hindi. malabo. kausap ko siya three days ago, at siya pa ang nagsabi na malapit na ang kaarawan ko. kaninang umaga, magkausap din kami sa telepono. bago pa magpalit ang araw...
hindi kaya may plano siyang surpresa saakin? nakakakilig naman kung meron. sa tinagal tagal na panahon, ngayon lang siguro ako kikiligin ng ganito.
habang kung ano-ano ang naiisip ko, sinasabayan ko yung pagbibilang niya ng 1-20. sabi ko, mauuna ako magbilang tutal, sobrang lapit na ako, baka kalahati palang ng bilang niya ay dumating na ako.
nasa labinglima palang ako at naglalakad na sa di kalayuang kalye malapit sa aming tagpuan ng biglang tumunog ang aking telepono. may mensahe. binasa ko ito, kahit medyo delikado ang lugar duon.
siya: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50...
nakangiti ako ng binabasa ko yun. cute sabi ko. naiinip na siguro kaya naman inabot na hanggang limampu ang bilang ni loko. lagot ako, sabi ko. hindi ko pa naman hilig maghintay sa tao, kaya ayoko ring maghihintay ng tao. kaso, sa mga bagay na hindi mo inaasahan, tulad ng matagal na pagpapalit ng ilaw ng stoplight mula sa pula at berde, maaring hindi mo maiwasang, mahuli sa usapang oras.
nakangiti siya habang bitbit ang isang inumin. "para sayo" sabi niya. kinuha ko at di muna ito pinansin. "tara na, baka malate ka eh, sorry ha? naghintay ka pa". walang tigil ang pag aapologize ko ng ngumiti nalang siya at sinabing okay lang daw yun. nakukulitan na siguro, pero pinahid niya ang pawis ko sa noo at sa mukha. "pawisan ka na tuloy".
sa bawat segundong magkasama kami ng mga oras na iyon, naghihintay ako ng pagbati mula sa kanya. naisip ko, lokong ito ah, mukhang binibitin pa ako. sabagay, atat naman ako masyado. mamaya lang, may dudukutin na itong maliit na regalo sa bulsa niya, tapos ibibigay nya sakin! yehey!
pero malapit na kami sa opisina niya, wala parin...
"naiwanan ko yung regalo mo para sa pasko, sorry, hindi ko kasi alam na magkikita tayo ngayon" sabi niya. walang hiya, pasko? e anuwebe palang ng disyembre ngayon ah??? "walang kaso, MALAYO PA NAMAN YUNG PASKO EH" sabi ko. pinilit ko na maging masaya ang sagot at magtunog okay lang. pero kahit ganun, parang may pardibleng isa-isang tumutusok sa puso ko.
OA siguro para sa iba, pero mahalaga saakin ang KAARAWAN. kahit kaninong kaarawan, lalo na kung saakin. hindi dahil may regalo man o party. pagkain o kahit ano. ang pinaka inaabangan ko ay ang pagbati ng mga taong nakaalala at nagmamahal saakin. nakakatawa man, pero minsan, nagpapapansin talaga ko sa araw ng birthday ko. wala lang. sesend kuno ng blangko na mensahe. hehe.
nakababa na kami ng taxi at nakapag bayad. tumawid na siya ngunit bumalik muli, isinakay ako sa bus papuntang Glorietta at ng ako ay makaupo, mula sa salamin ng bintana ng bus, kumaway siya at ngumiti. yumuko at nagsimulang tumalikod papasok sa kanilang building.
hindi ko alam pero nung sandaling iyon, naisip ko na parang hindi ko na siya makikita ulit...
pero alam mo yung klase ng naiisip mo na mabilis lang dumaan sa kamalayan mo? na biglang nabura at nawawala sa utak mo?
nag send ako ng mensahe. nagpasalamat ako sa kanya dahil kasama ko siya sa pinakaespesyal na araw ko. parinig na rin kungbaga, pahapyaw.
nakarating na ako ng Glorietta, pero walang pagbati o kahit anong reply ang nakarating saakin...
itutuloy...

6 Pakelamera:
BITIN!!! kainis! hahahaha!
s-o-r-p-r-e-s-a-!-!-!
aabangan ko ang susunod na pangyayari. tingin ko kse, uunahan ka nya sa Glorietta (nagtaxi) at nadun ang sorpresa
Ewic: haha sige sa susunod, di na kayo mabibitin :)
Kosa: hehe, hmm, pwede pero hmmm.. haha basta :) salamat sa pagdaan ninyo
Bitin nga.
Add kita pero add mo rin ako para masundan ko.
Post ka sa blog ko para alam ko kung approve.
mukang kelangan kong sundan ang kwento mo...
…now a follower!
xoxo,
Fickle
Red is in the air in Bagiuo City
my other blog
mareeeeeeeeeee kelan ang kasunod nabitin ako syet hehe mis na kita see u sa july :)
Post a Comment