02 August, 2010

No Strings Attached.

parang isang gitara na walang kuwerdas. ganun ka walang kuwenta para saakin ang isang bagay na walang gamit. walang silbi.

minsan na nasabi saakin ng isang taong mahalaga ang bagay na yan. napanood ko na rin sa sine. may mga nabasang nobela na rin tungkol sa mga istoryang ganyan.

mahal mo siya at mahal ka niya pero walang kayo.

magulo diba? parang kulang. parang walang magiging tawag.

may mga bagay kayong ginagawa ngunit palaging may mga bagay na hindi pwedeng gawin. hindi maaring saklawan ng damdamin ang kaisipan ngunit ano pa ang silbi ng nararamdaman ng bawat isa? kung hindi rin naman gagawing opisyal?

naisipan kong magtanong pero nahiya ako. sino ba ang aamin sa ganitong sitwasyon? sinubukan ko maglakbay sa nakaraang pahina ng akong buhay at may mga kaisipan akong napulot:

una.

hindi naman inilihim ng isa na hindi siya naghahanap ng kahit anong relasyon. maliwanag sa simula pa lang na companion lang ang hanap nya. na masaya syang kasama si ano pero hindi nangangahulugang mahal na nya ito.

ganun lang. tipikal na nag eenjoy lang sa panandaliang sitwasyon.

pangalawa.

mahal nya si isa, ngunit dahil kagagaling lamang niya sa isang masalimuot na relasyon, natatakot siya. na masaktan o makasakit. kinikilala nya muna mabuti kung worth it ba ang gagawin nyang desisyon o baka magkamali lang sya at masaktan uli sa bandang huli.

naninigurado kumbaga. tsk tsk. hindi risk-taker. chicken.

pangatlo.

ang pinaka bad-vibes sa lahat. saktong malas lang talaga ni isa at nakatagpo sya ng taong kagaya ni ano. manloloko. mangagamit. pa-sweet at pa-fall.

yun na yun. wala ng ibang mababanggit pang pwedeng ihalintulad sa taong yun.

ganunpaman, ang kalalabasan lang naman ng ganitong sitwasyon ay pwedeng isa lang.

kasawian sa pag-ibig.

1 Pakelamera:

Mico Lauron said...

"mahal mo siya at mahal ka niya pero walang kayo." Damn! Been there dear. I totally understand. Hindi ganun kadali magcomment sa mga bagay na katulad nito since there are lots to consider. Hay, pag-ibig nga talaga. Kainis!

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy