28 August, 2010

Century Adobo

alam mo, marami akong paboritong ulam. lalo na kapag gutom na ako, mas lalong marami akong naiisip na paburito kong ulam. ngayong sabado ng umaga, weekend nga naman, kaya medyo late na gumising ang mga tao sa bahay. at dahil wala kaming katulong (mahal ang magpasuweldo, minsan malakas pa kumain) mas pinili ko mag babad muna at manood ng hindi piniratang DVD's habang nagaalmusal ng tinapay at kape.

lumipas ang mga oras at dalawang porn este pelikula, nakaramdam ako ng gutom at naisip ko na siguradong gutom na rin sila Puput.

*bukas ng freezer, manok, isda, baka, baboy, kalabaw, manok uli, isda, hipon, pugita, paa ng leon, manok.

habang namimili ako at lumalabas ang lamig na usok dala ng yelo sa loob ng freezer, naisipan ko mag adobo. masarap ang adobo. isa ito sa mga pinakasikat na lutuing-bahay dito sa pilipinas. at alam kong matipid dahil wala masyadong rekado at hindi madaling mapanis. minsang nagbaon ako nito nung elementary ako at di ko natanggal sa bag ko ang baunan ko. sa pagdaan ng maraming panahon, lumipas din ang tagsibol. inamag na ang baunan ko ngunit college na ko ng matuklasan ko sa bag ko ang munting baunan na may lamang adobo. fresh. good as new. lasang adobo pa rin at ishinare ko pa sa prof ko. yum!

sa hindi malamang dahilan ngayong hapon ng sabado, habang nag aagaw ang araw at ulap sa kalangitan, umuwing gutom si Maduk. kagagaling lang niya at ng mga alipores nya sa libing ni Mang Katso (sumalangit nawa.) umalis siya bago makapananghali kaya naman nararamdaman ko ang gutom niya.

*katok.pasok.lakad.kuha ng plato.sandok ng kanin.salok ng sabaw.ng hita ng manok.

nabuwisit ata at kung ano ano ang sinabi. tinanong ako kung ano daw ba ang hinalo ko sa niluto kong adobong manok.

mga sangkap:

  • manok, pitso, hiniwa at hinugasan.
  • bawang, tinadtad.
  • suka.
  • toyo.
  • asin.
  • paminta.
  • betchin, 2 taktak.

sa pagkakaalam ko, yun lang naman ang sangkap ng aking adobo. niluto ko sa maayos na paraan at tamang temperatura. nakakain naman kami ng maayos ngunit parang sadya yatang iba ang dating ng lasa ng nasabing ulam sa dila ni Maduk.

hindi kaya yung lasa ng adobong niluto ko kanina at yung adobong naimbak ng mahabang panahon sa aking baunan sa bag ay iisa?

"never ever tend to forget your lunchbox inside your bag. you'll never appreciate what's the surprise inside"

5 Pakelamera:

Fickle Cattle said...

I like old adobo. I don't know why.

http://ficklecattle.blogspot.com/

wanderingcommuter said...

hahaha. nostalgic. somewhere in my past life, ginagawa ko din ito. hahahaha

Kosa said...

yeahhh. never ever!

pero teka, anung naging resulta ng adobo? ayus naman ba?

Anonymous said...

si mama ko hindi sanay magluto pero siya rin ang pinakamacomment sa mga luto ng papa namin. hehehe. =)

ang mahalaga nakakain kayo. yun yun!

Myk2ts said...

Fickle Cattle: masarap kasi, tsaka malinanamnam diba? :)

Ewic: soon dapat gawin mo ulit, patikim kami ah? :)

Kosa: haha, okay naman, ewan ko kay mom bakit di nya nagustuhan eh.

Paci: agree. mom knows how to cook well din kasi that's why pihikan sya pagdating sa lasa :0

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy