16 March, 2011

Tweety Yellow

hindi ako mahilig sa mga sapatos na masyadong kumplikado. ayoko ng masikip at lalong ayoko nung mabigat. ayoko rin ng maraming sintas na kailangan mo higpitan at luwagan tuwing gagamitin. maarte diba?

naisipan ko bumili ng Tom's. susyal kasi. etchos. medyo magaan kasi at kumportable. sa layas na katulad ko, ayoko ng kelangan ko pa magdala ng medyas at magbitbit ng kung ano-ano. basta ready to go, ayos, lakad on the go!

syempre, dahil isa ako sa mga taong nakahiligan ang yellow ribbon round the old oak tree, naisip ko na dilaw ang kunin na kulay ng sapatos. baduy? pakelam mo? haha.

isang matiwasay na hapong paikot-ikot ako sa isang prestihiyosong mall sa makati, naisip ko na kumuha na ng sapatos. me lakad kasi ako sa linggo. ipapartner ko sa violet kong shirt at brown na shorts. o diba? kulay kakanin ako?

lapit ako sa mamang may taas na 5'9, payat, naka skinny jeans ng itim, t-shirt na may tatak na Tom's, itim din, at apron. di ko alam kung saang mantika mangagaling ang kinakatakutan nya kaya sya naka apron. uniform siguro. yaaan na natin.

ladies and gentlemen, dito nagsimula ang labanan ni Myk2ts at ng pobreng tindero.

Me: good afternoon!
Him: *smile
Me: *smile back
Him: *kindat

joke lang.

Him: yes sir?
Me: betchina ko yung Tom's na tweety yellow, meron?
Him: ano po?
Me: meron kayong available na yellow?
Him: sa Nothing But Water po meron

ang nabanggit na Nothing But Water ay isang establisyimentong tindahan ng mga swimsuit. skimpy. two piece. meron ding espadrilles. bags at kung anik-anik.

Me: ano?
Him: sa Nothing But Water po meron silang Sanuk, may dilaw po dun.

Sanuk. two points na tong mokong na ito.

Me: hindi naman Sanuk ang gusto ko, Tom's. kaya nga sayo ako nagtatanong eh.
Him: sa Nothing But Water po kasi meron silang mga dilaw na stock ng Sanuk.

gusto ko ng bigwasan tong gagong to. kanya siguro yung Store ng Nothing But Water at may share ata sya sa Sanuk kaya panay ang plugging ni gago.

Me: naririnig mo ba ako?
Him: opo
Me: nakakaintindi ka ng tagalog?
Him: *asar na opo
Me: Tom's na dilaw meron kayo? AT WAG MONG SASABIHING SA NOTHING BUT WATER AKO PUMUNTA DAHIL MAY SANUK NA DILAW DON!

ayun na, nagsilapitan na ang mga gwardiya sibil at AFP. gyera na.

Me: kanina ka pa paulit ulit, simple lang ang tanong ko, meron ba kayo o wala kung ano ano ang sinasabi mo! mali ba ang dinig mo o mahina ba yung boses ko?
Him: e kasi po sabi ng sa Nothi...
Me: SINABI NG WAG MO NA KO ITUTURO SA KINANGINANG NOTHING BUT WATER NA YAN AT PASASABUGIN KO NA TALAGA BAO NG ULO MO EH, KUNG DUN KO GUSTO PUMUNTA E DI SANA DUON NA KO DUMERETCHO AT HINDI NA KO NAKIPAG KULITAN SAYO DITO!
Supervisor na naka puti: Me problema po ba dito?
Me: ikwento mo at napakainit na ng ulo ko sayo!

kinuwento naman nya ng tama at infairness, walang dagdag-bawas.

Supervisor na nakaputi: kasi po sa Nothing But Wat..
Me: okay, anong pangalan mo?
Supervisor na nakaputi: Etchos Garbansos po, bakit po?
Me: itatanong ko sa Nothing But Water kung kilala ka ba nila kasama ng tontong tauhan mo dahil dapat ka nila bigyan ng pabuya sa walang sawa mong pagpupunyagi at pag papakilala sa kanila!

exit.

BV diba?

4 Pakelamera:

The Gasoline Dude™ said...

LOL! Kabadtrip nga 'yan! Hahaha. :)

Myk2ts said...

agree. mahirap kausap yung mga ganun Gasul! lapit na kaarawan mo!

Jhamy whoops! said...

ikaw na mataray sige na mare,, bat yellow? ayaw mo nang bayulet.. para barny,.. :p

Phiilippines said...

Bakit isang kilong bigas?

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy