29 March, 2009

Istariray

mahirap kasi kapag meron kang sinasabi sa lipunan. masyadong nakakapressure yung mga bagay na dapat mong gawin. lahat ng kilos mo ay de numero. nababantayan ng lahat ng tao. hindi ko gusto yung ideya na sa tuwing maglalakad ako, nakamasid ang miron. parang bawal magkamali. hindi puwede ang matapilok.

sa mundo ng pagsusulat, alam kong wala akong sinasabi. pero ang nakakatuwa ay marami ang nakaririnig ng gusto kong sabihin. madalas sabihin ng iba na mas masaya kung sa harapan ang usapan. minsan kasi nadadaan sa tono. sa pasakalye. sa palabok.

minsan may oras na gusto ko sumigaw. idaan sa tinta ang lahat ng gusto kong sabihin. idiin sa papel para malaman ng tao ang lalim ng sugat na pwedeng idulot ng aking panulat. magtasa ng magtasa ng magtasa hanggang tumulis. bumaon sa balat ng pantay at makinis na papel ang mga salitang gusto kong ipahayag sa aking sarili.

pero sa mga panahong ako'y hapis, madalas kong sariwain ang mga halakhak ng kahapon. mga palakpak ng tao noon. ang papuri ng mga nilalang na natutunan mong hangaan at tingalain. tama. masakit nga ang maging bahagi ng nakaraan. ang talikuran. ang kalimutan.

ang kasikatan ay hindi permanente pero hindi din panandalian. habang nandyan, pagyamanin at angkinin. ipagmalaki at ibahagi. isabog ang punla ng kabaitan upang umani ng sagana.

hindi ko alam kung ano ang ibig kong iparating. basta nalamang lumalabas sa aking isip ang mga salitang aking tinitipa sa mga sandaling ito. bawat titik. maraming ulit ko ng binura pero hindi mahinto. magulo. pero alam ko, totoo.


myk2ts r2r.png

24 March, 2009

Lights Off


sa darating na sabado, Marso 28, 2009, at 8:30 pm, kahit saan sa mundo, huwag kalimutang patayin ang inyong ilaw, bilang pagsuporta sa earth hour. i-click ang larawan sa itaas para sa kumpletong detalye.

makiisa.
makibaka.
makialam.

myk2ts r2r.png

23 March, 2009

As Of The Moment


The basic premise is this – answers should all be “at the current moment.”

Let's do this! feel free to imitate. it's for free!


1. Where is your cellphone --- in my pocket.

2. Your hair --- brownish gray, weird combination. with some gray streaks due to stress, not aging.

3. Your father --- overseas.

4. Your favorite thing --- my new phone.

5. Your dream last night --- none.

6. Your favorite drink --- green tea soy latte.

7. Your dream goal --- shop(lift?) in Paris.

8. The room you are in --- living room.

9. Your fear --- endless war.

10. Where do you want to be in 6 years --- somewhere in Europe.

11. Muffins --- corn flavor! lurve it!

12. One of your wish list items --- hmmm, im quite contented on what i have at the moment...

13. Where you grew up --- Kyusi.

14. The last thing you did --- answered question number 13.

15. What are you wearing --- shirt, pants, eyeglasses, undies, flipflops.

16. Your TV --- im about to buy a new one, soon.

17. Your pet --- pepe and super. (labrador)

18. Your computer --- hmmm ordinary desktop with extraordinary files :)

19. Your life --- amazing, happy, blessed.

20. Your mood --- melodramatic.

21. Missing someone --- yes

22. Your car --- not entirely mine...

23. Favorite store --- SnR, SM.

24. Your summer --- beach! :)

25. Your favorite color --- yellow

26. When was the last time you laughed --- awhile ago. while chatting with loraine and icey.

27. When was the last time you cried --- two days ago...

28. Last person who emailed you --- Cess.

29. Your favorite food --- sinigang galore!

30. A place you would rather be right now --- SINGAPORE!


myk2ts r2r.png

22 March, 2009

17 v.s. 24

noong labing pitong taong gulang palang ako...

highschool palang ako nun, dealing with lots of puberty shit. wala naman akong masyadong issues and all. plain. boring. walang exitement. medyo melodramatic pero masaya in times. im trying hard to be matured. feeling ko nasa tamang edad na ko, na pwede na kong magpayo sa mga taong may problema at parang lahat ng sasabihin ko ay may punto. may bearing. parang noon, makagawa lang ako ng tama, nadadagdagan na yung edad ko. basehan na yun para saakin ng pagkatao ng isang tao.

bahay-eskuwela-bahay lang ang routine. walang lakad ang puwede kong puntahan hangga't hindi ako pinapayagan ng nanay. may hatid sundo saakin. ako nga lang yata ang senior na naka service. dun ako unang nagkulay ng buhok. uso. sinuot ko uli ang nakatagong retainers. nauso kasi ulit. nangolekta ako ng mga posters, mga songmags, mga casette tapes (mahal pa CDs nun) at lahat lahat pa ng pwedeng memorabilia ng backstreet boys, anggun, the moffatts, mel c, jewel, nsync at manaka-nakang boybands at guy groups doon at dito.

nauso din ang mga proms, date, crushes, relationships at kung anu anu pa, sex lessons, importance ng condom, pagbubuntis ng maaga at sa kung ano ang tingin ng lipunan sa dalagang nabubuntis bigla bigla. mga out-of-town, camping, group study, overnight inuman at mga biglaang sleep over kasi ginabi na at hindi na makauwi sa sobrang alcohol sa katawan.

sa edad ding ito madalas magkaroon ng imbalance sa mga hormones ng tao. ewan ko kung totoo. ayoko ng iresearch, basta hula ko lang. kung pag uusapan ang libido, lapis at papel lang ang kailangan mo para tanungin lahat ng taong nasa ganitong edad kung nalilibugan ba siya sa oras na ito o hindi. marahil puro dalawang titik lang ang ititipa mo sa listahan at hindi yun N at O

pero nung edad kong ito, hindi ako namulat sa kung anu man ang totoong pag-ibig. marami akong naging crush. pinag pantasyahan. pinag rausan ng libog. oo tao ako. kagaya ng lahat na dumaan sa ganitong edad. pero masuwerte ba ako o malas dahil hindi ako nakaramdam ng pagibig at kasawian sa larangan ng relasyon sa edad na ito?

dahil ngayon,

im a twentyfour-year-older dealing with a seventeen-year-oldish type of love.

badtrip. sana nung seventeen nalang ako para pwede akong magkamali. mag mukhang tanga, magwala, mag iiyak at mag dadabog, mag pahaba ng buhok at wag maglalabas ng kuwarto.

kesa ngayon.

pathetic.
myk2ts r2r.png

Tagaytay Captured Moments with Besties

sabado ng gabi ng mapagisipan naming magliwaliw sa tagaytay ng mga kaibigan ko nuong elementary. here are some of the pics nung magka lasingan na sa hotel:


syempre camera shy ako, kaya ganyan

si cedric medyo emo na lasing jan, kunwari stolen shot daw

hindi tulog si cess nyan, nag pepray sya before kami kumain ng siopao

si audrey naman, kunwari pa pero nagtetext na sa boyfriend nya sa ibang bansa, di makatiis, tsk tsk

at me dramatic shot kami sa balon. may kuha din kami dito 15 years ago. fieldtrip namin nun

eto stolen shot talaga to
parking fee: 500 captured moment: priceless

kubo shot, panira yung ihawan

dapat stolen to ulit kaya tumalikod ako eh, kaso lahat sila nakasmile, humarap nako



walang humpay na tawanan, iyakan, kuwentuhan at walang sawang plano na kung saan ang susunod na lakad, nakakaadik. parang sa loob ng labing limang taon, maraming nangyari pero walang nabago. sa susunod na kita kita, madami pa ko ikukuwento :)


myk2ts r2r.png

21 March, 2009

On Reality

harsh.

that's how i see it. no matter how much i wanted to be happy for myself, i simply can't. fuck those songs. damn those lines. i still can't move on.

i keep on blaming other people for my own misery. i put the blame on them for making me feel this way. i whine. i cry.

don't you think it's about time for me to give up and move along?

i have to live. i have to breathe. i have to be me.
myk2ts r2r.png

18 March, 2009

Linya

"i will continue staring at the sun. yeah it hurts, but i know with this, WE are connected"
myk2ts r2r.png

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy