17 October, 2008

Juan, Pwedeng Magtanong?

sa mga nagdaang panahon, naisip ko ang mga bagay sa ating bansa, palaging delayed.

ang tren, delayed.
ang resulta ng botohan, delayed.
yung kapitbahay naming si Kasandra, delayed.
yung pagbubukas ng NAIA terminal 3, delayed.
mga pulis, delayed.
yung reply ng crush ko sa text ko, delayed.
yung IISA PA LAMANG, delayed.

ang nakakalungkot lang, minsan kailangan pang may masaktan o magwala upang magkaroon ng pag-usad at pag aksyon ang mga kinauukulan.

sanay na ako sa kalakaran dito sa mundo. partikiular na sa Pilipinas. kung susuriin, lahat lahat ng Pilipinong humihinga sa bawat minuto, nais magreklamo. nais ng pagbabago. nais ng pag asenso.

pero walang may gustong kumilos.

tulad ninyo, ganun din ako. nakakapagod din kasi ang ipagpatuloy ang isang bagay na ikaw lang ang naniniwalang magkakaroon ng pagbabago. wala kang katulong sa pagtuklas at pag gawa ng isang natatanging aksyon para sa ikababago at ikalalago ng ating sinilangang rehiyon.


hindi kita masisisi kung umiihi ka parin sa pader.
hindi kita masisisi kung nagtatapon ka parin ng tae mo sa ilog pasig.
hindi kita masisisi kung bakit panghoholdap parin ang paburito mong gawin.
hindi kita masisisi kung kotong parin ang sagot sa kumakalam na tiyan.

minsan naisip ko na ang pagbabago. sumubok akong gumawa ng tama at namuhay ng patas. pero ang masaklap, nililibak ang mga pumipila ng maayos. inuunahan ang sumusunod sa batas trapiko. nasisingitan ang dumadaan sa tamang proseso.

ngayon, ang tanong ko, ang bansa ba natin ang talagang wala ng pagasa o tayong mismong mga Pilipino?

15 October, 2008

Tagos

sa mga taong lubusang nakakakilala saakin, normal na sa kanila ang makita na meron ako nito. hindi sila nandidiri at naiintindihan nila ako. minsan tatakpan nila ang bahagi ng aking damit pang-ibaba upang maikubli ang lagim na maaring mangyari kapag may nakakita nito.

it's a girl thing. oo alam ko. kaya nga meron ako nito. at wala kang magagawa kungdi basahin nalang at lunukin ang kalokohang pinagsasasabi ko. oo marahil hindi ka papayag at itatanggi mo, pero alanganaman burahin mo ang linyang ito? mahirap. magawa mo man, mababasa pa rin ng iba. kaya sige na, agree na. oo nireregla ako.

ang regla para saakin ay hindi lang tumatalakay sa maruming dugo na lumalabas sa hiyas ng silangan. hehe. terminology ko yon eh. walang makikealam.

pwede ding pawis, laway, ihi at kung anu pa mang likidong maisip nyo na inilalabas ng katawan. e.g. luga

natural lang na maging concious ako sa sarili kong tagos kaya hanggat maari ay hindi ako nagpapabaya sa pansariling kalinisan ko. hygiene is still [and always] my priority.

ang nakakabadtrip lang kasi. laging siksikan sa van na sinasakyan namin pauwi. punuan. hanggat may lugar na pagsasaksakan, ipapasak ka ng bonggang-bongga.

naiintindihan ko naman dahil sa hirap ng buhay at sa taas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, kailangan makahanap ng paraan.

oo, nahulaan ko ang itatanong mo.

kuneksyon?

eto.

AMPUTANGINANG TAGOS NG MAMANG KATABI KO TUMAGOS HANGGANG SA BALIKAT KO. WALA NAMAN SANA SAAKIN YON EH, AYOS LANG SANA, TUBIG LANG YON. PAWIS. NORMAL LANG NA MERON SIYA NUN. ANG KASO ME AMOY. OO AT GALING SA KILIKILI, PERO KAHINDIK-HINDIK ANG AMOY. MABUTI NALANG AT PAUWI NA AKO. AMPNESS!

moral of the story: ewan ko, alam nyo na siguro yun. tinuturo yun sa grade school. sa MAPE ata oh sa Science and Health.

13 October, 2008

Question And Answer I

1. Raincoat, umbrella o sugod sa ulan?
*sugod. i like it when i get wet and wild while walking.

2. Sometimes you hate cellphones because _____?
* i get messages from people i don't know. nakakapagtaka how the fuck did they get my number. then kapag tinanong mo kung sino, hindi magrereply. azar!

3. Paano mo patayin ang ipis?
* i use the tennis raketa look alike na may kuryente. effective. mas malakas ang charge, mas electrifying!

4.Anong una mong pinupuntahan sa mall?
* Powder Room. para mag pulbos syempre.

5. Nahulog ka na ba sa stairs?
* twice. una nuong limang taong gulang pa lang ako. pinapatulog kasi kami ni mama sa tanghali nuon. sa kakulitan ko, tumakas ako at sa sobrang kaba, nadulas ako mula itaas. 9 steps ata yun. ayun, bukol. pangalawa, when i was in grade school. graduation practice. i got excited, ran without knowing that im headed to the staircase. that's why my classmates called me "Ben Tumbling" then.

6. Message mo sa mahal mo?
* I Love You... Still.

8. Naiilang ka ba pag ikaw lang ang kumakain at nakatingin sila sayo?
* yup. as if they are counting how many times i chew my food before i swallow it.

9. Bakit may mga taong manhid?
* hindi ko alam. nakakapeste nga rin yang mga ganyang nilalang. naalala ko pa noon, ang pagkakaintindi ko sa "manhid" eh yung parang milyon-milyong karayom na tutusok sa parte ng katawan mo na nadaganan mo ng matagal na oras. me iba pa palang kahulugan yun. tulad ng isang taong pinakikita mo na with matching action at gestures pa, deadma paren. talk about ngimay?

10. Pano ka magalit?
* i dont get mad. i get even. and believe me, you wouldnt want to know how i do my stuff. hahahahaahahaa. etchos! hindi naman ako brutal magalit. depende sa nagpagalit at depende natural sa dahilan. minsan tahimik lang ako pag galit. madalas matalak. at gusto ko inilalabas. ayoko kimkimin. baka sumabog sa loob. mabaho.

11. Anong Maganda/Masarap Gawin sa Outing w/ Barkada?
* Beach. Inom. Kain. TULOG!

12. How was your 2008 Summer?
* it went well naman. i am not a "summer" person. madali ako maalibadbaran pag may Sandra. malagkit. malapot!

13. How long was your longest telebabad?
* maniniwala ka bakung sasabihin ko na 16 hours? salamat sa Sun Cellular 24/7 Call and Text Unlimited!

14. Last place you've been to?
* Macapagal. Naisip ko maglamyerda at bumili ng regalo para sa nakaraang kaarawan ni Mama.

15. They say you are:
*i am... Me? well, honestly, i do care with what other people might tell. that may be good or bad. i aint no saint. i do silly things unto others, but im sure they can say im REAL.

16. How old are you?
* bente tres anyos na. mag bebentekuwatro sa disyembre anuwebe. ayan, maagang plugging ito. gifts are very much welcome.

17. Last thing you drank?
* iced tea. medyo kulang sa tamis.

18. You want to?
* Sleep. ive been out with my friends and drank our hearts out pero pagtapos, di paren ako makatulog. exag ang Enervon. more more more energy kahit gusto ko na matulog.

19. Bakit naman?
* ewan ko. siguro bunsod ito ng asukal sa katawan ko. iinom ako ng gatas mamaya. yung may yelo. sigurado after one glass of milk, makakatulog na ako.

20. Mahirap bang umasa?
* yeah. but that depends on the gravity and level of awareness ng taong umaasa. na ang inaasahan natin ay kailanman, habangbuhay na tayo paasahin. minsan kasi we choose to be blind on things that is very much obvious. pilit tinatalikuran ang mga bagay na dapat nakikita para malamang nagmumukha na tayong tanga.

21. Anong nafe-feel mo ngayon?
* i gave up. and loving it. now i know that being single is one of the best things in the world.

22. What's the last thing you did?
* dragged my mouse to this question. typed my answer and went to the next.

23. Last person you talked to.
* uhm sister ko. nagpatulong ako magsampay ng mga nilabhan ko.

24. What song are you listening to right now?
* Far Away by Nickelback. i suppose to hate this song. but whenever i feel like removing it from my list, something in me wants to listen to it kahit sa huling pagkakataon. pag natapos ko yung kanta, marami nanamang alaala. hindi ko nanaman mabubura. demit!

25. Do you receive sweet txt messages?
* i sure do. and i keep them. ewan ko. di ko naman sinesend yung iba. basta nasa bulk folder ko lang.

26. Busy ka ba?
* nope. im just pretending that i am.

27. Did you get sick this month?
* nope and i thank God for that ",

12 October, 2008

Kilig

eto nanaman. sinabi ko sa sarili ko dati na i hate this kind of feeling. na tipong hindi ko na pababayaan ang highschool type of kilig na ito saakin. ayoko ng mga awkward moments, simpleng biro, mga hidden glances at kung anu anu pa. ayoko. ayoko.

pero ano ang magagawa ko. sabi nga ng hypothalamus ko, umiibig nanaman ako. ang nakakaloka pa, sa edad kong nubenta'y-singko, etchos eh para nanaman akong mag-aaral sa mataas na paaralan ng pintong gubat. in short-- KILIG TO THE BONES!

hindi ko naman akalaing may ganun akong mararamdaman. sa araw araw na pinagsamahan namin, hindi ko naman siya napapansin nuong una. tahimik kasi. literal na lalaki. minsan lang umimik. kapag nagsalita, malalim. minsan nga nagtaka siya nung kinausap ko siya at may dala dala akong maliit na salbabida.

para di ako malunod sa lalim ng pagkatao mo,
--Myk2ts (malandi)

ngayon pinagagalitan ko nanaman ang sarili ko. pilit ko kinocompose ang aking mga kilos. dapat finess, dapat di masyadong madaldal, and everything. punyeta, kilala nyo ako, hindi ako ganon!

pero dahil sa mga ganitong pagkakataon na lalapitan nya ako, at tatabi siya saakin, parang may sudden changes sa boses ko, sa sikmura ko, sa lahat. nag tatransform ba ako?

mabiro akong tao, at sa tuwing magsasalita ako, hindi ko alam kung bakit tumatawa ang mga tao. pero sa tuwing lilingon ang mga pares ng mata ko. tahimik lang siya. minsan napapangiti. hanggang dun lang.

sabi ko sa sarili ko, mapapahalakhak ko ito. at nagawa ko nga. tagumpay.

pero ang kanyang "normal" na pakikitungo ang parang punyal na tumuturok sa mga maseselang parte ng aking puso. parang karayom sa makinang unti unting lumalabas pasok saaking puso. masakit. sabi ko: arouch!

kaya naman ang tendency ko minsan, mag inarte. mag pa-sweet. mag feeling balingkinitan. hindi ko siya babatiin hangga't di nya ako binabati. hindi ko siya kakausapin unless he talks to me. in short, INARTE.

medyo gumana. lumalapit. nagsisimula ng usapan. nagbibiro na ren. hanggang nagkayayaan. kung saan?

abangan.

10 October, 2008

Pagbati

happy birthday,

M O M M Y!



habangbuhay akong magpapasalamat sa Kanya dahil ikaw ang napili Niya para magpalaki saakin. mahal na mahal kita.

--Myk2ts

08 October, 2008

Inggitera

bakit may mga pagkakataong isinasampal sayo ng pagkakataon ang katotohanan na wala kang katuwang sa buhay. pilit ibinabandera sa harapan mo na mag-isa ka. na wala kang kapartner sa laro ng buhay. single.

alam ko na ang ihihirit mo. oo iba ang pamilya. iba rin ang mga kaibigan. labas sila sa aspetong ito.

masarap isiping hindi ako matatakot sa araw ng mga patay. may kasama ako sa tuwing aalulong ang aso ng aming kapitbahay. hindi ko kailangang umihi ng nag-iisa. may katabi ako sa panonood ng mga nakakatakot na palabas. may magpapaalala saakin na ang mga kaluluwa ay mananatili sa ating mundo, ngunit hindi ko kailangan mangamba dahil sasamahan nya ako.

sa tuwing sasapit ang kaarawan ko, nais ko sanang siya ang unang babati sa akin. paplanuhin kung saan kami kakain. maglalakad ng walang sawa hanggang dalhin kami ng aming mga paa sa isang lugar na kung saan makakasama namin ang isa't-isa ng malaya. walang humpay na kuwentuhan. tawanan. palitan ng mga salita.

kung dadating naman ang pasko, gusto ko na pagtapos ng selebrasyon ng aming pamilya, may makakausap ako tungkol sa aming pinagdaanan sa nakalipas na mga panahon. katuwang na magpaplano sa kung anu pang bagay ang nais naming gawin. lugar na nais naming marating. mga taong nais naming makilala at mg kaalamang nais naming tuklasin ng magkasama.

kasabay ng paghihiwalay ng taon, may aalalay saakin sa pagpapaputok ng labintador. makiki-ihip sa aking torotot. tatawag at aaya saakin na pumasok sa loob ng bahay upang makaiwas sa makapal na usok at ligaw na bala. kapalitan ng kuro-kuro sa nakalipas na taon at kung anung bagay pa ang nais naming mabago sa taong dadating. may katulong ako sa pagsinop ng mga palamuting ginamit sa nakaraang selebrasyon. kasama kong mangangarap ng masasaya at mapupunyaging bagay sa bagong taong haharapin naming magkatuwang sa buhay.

hindi na kami mangangamba na mauubusan kami ng lugar na pupuntahan. sa panahon na ito, lahat ng mag sing-irog ay naguunahan sa pinakaromantikong lugar na maaring pagdaluhan ng kanilang pagmamahalan. pero sabay naming iisipin na kahit saang lugar man kami mapadpad, magiging espesyal ang bawat eksena basta't kami'y magkasama.

sa totoo lang, masarap ang buhay mag-isa. walang obligasyon. walang dapat panagutan at panindigan. malaya.

pero sa bawat oras ng kalayaang aking tinatamasa. hungkag ang aking puso na labis na nauuhaw sa pagtingin. sa pag-unawa. sa pag-intindi. sa pagmamahal.

hindi ng aking pamilya. busog ako sa pagmamahal nila. ganun din ng aking mga kaibigan...

...ng isang taong mag-aalay ng buong pusong pagtitiwala at pagtingin na hindi natutumbasan ng kahit anu pang materyal na bagay.

05 October, 2008

Laws Of Attraction

the drill started right after the first break. i was picked by my colleague to be the next speaker. reluctant as i am, i went on and waited for my forbidden question.

i was asked about my views on the law of attraction. opposite attracts. enough said. but something in me wants to spill the beans. since that was a "graded" drill, i blabbered my thoughts on how something/someone can be attracted to something/someone.

i don't like to be scientific. well the least that i know is that, yeah, like what magnets do, opposite attracts. but if that is so, why there are people (like me) getting attracted with the same gender? isn't it true that if the same pole of two magnets gets near to each other, they repel?

questions like this is really mind boggling. other people tend to find it easy but not me. i have to admit that i need time to think about my stand on this issue. but in a 2-minute-free-speech drill, what can i say?

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy