21 February, 2009

On Stupidity

Tanga. yan ang madalas ko masabi sa sarili ko kapag may mga bagay akong hindi maintindihan sa Calculus at BioChem. kahit anung gawin kong titig sa formula at sa papel ng katabi ko para makapangopya, hindi ko parin talaga maintindihan at mapagtanto ang tamang sagot. kahit kasi minsan minsan ay kumokopya ako, sinasagutan ko parin yun at kinukumpara ko yung sagot ko sa nakopya ko, malas na lang kung mali din ang nakokopya ko. minsan point of comparison lang. nakakasawa na kasi yung mag aral ng todo. yung walang tv, radyo at cellphone. minsan nakakatamad. mahirap basahin ang makapal na Anatomy book para kabisaduhin ang anakngteteng na nervous system na yan at kung bakit ba kelangan pa pag aralan ang Krebs Cycle na yan. hindi ko naman magagamit ang mga yun sa pagsakay ko ng jeep araw-araw at pakikipagsiksikan ko sa MRT para pumasok. pero ang akala ko nuon, ako na ang pinakatanga sa mundo.

marami rin mga bagay ang nangyari sakin na kapag iniisip ko, kung hindi siguro ako tatanga-tanga nun, baka mas naging maganda pa ang kinalabasan ng mga pangyayari. o baka nga mas naging maayos pa sa okay.

pero pano ba natin masusukat ang ating katangahan? meron nga bang taong makakapag sabi kung kelan tayo nagiging tanga o kelan hindi? ano nga ba ang pamantayan para maging tanga?

minsan sa sobrang katangahan ko, hindi ko din alam. akala ko masyado akong marunong sa ibang bagay pero ang simpleng pag iisip lang kung kelan ako nagiging tanga eh hindi ko alam.

ano nga ba ang dapat gawin ng taong tanga? ng taong nagpapakatanga o pinipili maging tanga sa kabila ng nagtataasang posisyon at estado sa buhay, nagkakapalang salamin sa mata tanda ng pagiging pala-aral at nagkakapalang account sa banko tanda ng pagiging madiskarte sa buhay?

may gamot ba silang dapat inumin? o pader na kailangan pagumpugan ng ulo para magising? ang hirap pa naman maranasang makarating sa 20th floor para lang lumagapak sa basement para sa isang taong hindi naman worth it.

pero kagaya nga ng tanong ng marami,

sino ang makapagsasabi?

myk2ts r2r.png

15 February, 2009

On Second Chance...

what will be my answer?

i tend to experience awful things about love. yes. it hurts more than it bleeds. but yeah, i just weep. stab my heart with memories of us being us. our moments that are immeasurable and yet disturbed.

what will i do?

i tried to hide. endure the pain alone. wear a fake smile and pretend that im okay. im good. im over. but no matter how i project my facade, my reality wont hide the fact that im alone. left behind. taken for granted.

ive seen people who have a different ways on coping up. they eat, they shop, they get different, sometimes weird hairstyles, they get their skin inked, they flirt, they stalk, they kill themselves... with more pain. pain that will eventually makes them numb. then immune. then the next thing they know, they are ready to get some more.

i know that sometimes, it's self inflicted. i bury myself with this kind of emotion. i choose to be bitter than to be okay. i nurse the feeling of being dumped. i struggle to keep myself okay but im not taking any actions at all to be fine. i blame the radio for playing the songs of our hearts. i blame other things that could make me remember. i blame everything but not my self.

until when?

i don't really know.

but why now?

why is he giving me these things? now that im slightly okay. now that i can smile and listen to the same song that used to make me cry. now that i can watch cheesy and mushy films without feeling any resentment at all. now that im almost over him.

i hate him for making me feel this way. for making me feel vulnerable. for making me fall and back to zero.

nice timing huh!


myk2ts r2r.png

Words

girlet - Girl na mukhang Piglet
girlaloo - Girl na mukhang Bulalo
myk2ts r2r.png

09 February, 2009

Bakit Ngayon Ka Lang?

nagising akong parang walang katulog-tulog nung nakaraang gabi. ang tanda ko, alas-onse pa lang naman ay mabigat na ang mga mata ko sa antok, base sa orasan na aking tinititigan ngayon, alas nweve na ng umaga. gising ng isang tamad at walang planong gawin sa buong araw. kahit na sangtambak ang dapat ayusin at dapat asikasuhin.

mabagal ang takbo ng oras para sakin. parang hindi ko na dapat pang isipin kung ilang oras pa ang dapat hintayin, nakakainip. alam kong walang masyadong dapat isipin.

tinugtog nanaman kasi yung kantang yun eh, hindi ko na dapat pa maalala ang tamis at sakit na dulot ng kauna-unahang tibok ng simpleng bahagi ng katawan ko. ang nagpapadala ng dugo na kailangan ng bawat sulok ng katawang ito ay ang siya ring tumitibok at nag dadala ng lason na unti-unting pumapatay sa kamalayan ko.

matagal na akong nakatitig sa kanya. may kung anong lakas ang hindi ko makuntrol sa aking mata. para bang hindi ko dapat alisin ang paningin ko sa mukha nyang maganda, ngiping maputi, buhok na maitim.

isang buntong hininga lang naman ang kaya kong pakawalan sa tuwing iisipin kong siya'y pwedeng maging akin. parang isang malayong lakbayin. suntok sa buwan. tadyak sa hangin. kahit sana kaway man lang o ngiti. kahit manlang sana simpleng bati. pero hindi. patuloy ang kaba ng aking dibdib.

hanggang ang araw na aking pinapanaginipan ay dumating. hindi ko inisip na pwede itong mangyari. nagkatagpo ang aming paningin, sumilay ang ngiti. salita ay namutawi. narinig kaya niya ang salsal ng aking dibdib? sana ay hindi.

nakausap ko siya ng matindi. sa kahit anu pa mang dahilan, ayokong matigil itong sandali. ayokong ang oras at araw ay umalis. bakit nga ba kailangan pang umambon habang ang aming kuwentuhan ay nagiging matamis?

hanggang sa huminto sa harap namin ang isang sasakyang hindi ko mabibili. makinis at makintab animo'y salamin. bumaba ang isang lalaki, kumaway ang supling, sabay tawag ng "mommy"

basag.

ako pala sa isang sandali ay naging kabit.

"Ang lungkot hindi nawawala, hindi nauubos, pero pede mong bawasan..."


08 February, 2009

Dear Gasdude

ako po ay isang blogero na nagbabasa din ng blog ng ibang tao. sa isang hapong wala akong magawa, nakita ko ang liham ni RonTuron. ako ay labis na namangha sa ayos ng porma ng kulay itim na T-shirt at labis na nanibugho sa dami ng tuwa na nakita ko sa kanyang mukha. (kahit nakatalikod siya sa litrato, promise ang laki ng ngiti nya...)

naalala ko ang turo sakin ng nanay ko. masama daw ang inggitero. okay lang yun, ingiterra naman ako eh, kaya walang kaso. hindi naman ako sa nagpaparinig pero malaking kaligayahan ang mapadalhan ng isang kaibigan mula sa malayong lugar. imported ika nga.

pero hindi ko naman sinasabi na padalhan mo ako, syempre nakakahiya, ayaw, makita ko lang na masaya si R2R okay na yun. hehe.

ako ay lumiham lamang dahil natuwa ako sa mga pangyayare, at natuwa lang ako magsulat ng magsulat ng kahit ano.

Lubos na Gumagalang,

Myk2ts
myk2ts r2r.png

Beybi

at natapos din ang pinakahihintay ko. naayos din ang internet connection ko. madaming mga bagay bagay ang dapat naisulat ko sa haba ng panahong wala akong magawa. wala talaga akong balak na patagalin ang pananahimik ko. i simply can't.

medyo nag enjoy din ako sa paulit ulit na pagbalik ng mga contractor ng internet connection ko. medyo mga masarap tignan ang kanilang technician. parang gusto ko nga mangyare e tuwing mag lolog-in ako sa araw-araw eh gagawin muna nila ang connection ko. mapa umaga o gabi.

landi.

oo na, malapit nanaman kasi ang araw ng mga puso, pabayaan nyo na muna akong maging mushy.

madaming mga bagay-bagay ang naganap kaso di ko naman makuwento dahil hindi kayo makakarelate. di nyo sila masyadong kilala. medyo mabobore lang yung iba, nakakahiya naman.

sa totoo lang namiss ko kayo. sila hiraya, tentay, jham, bj, krizzie, kuyanin, loraine, yeinie, bloom, father jay, roland, kosa, lucas, lance, she, salingpusa, ewic, boying, efrenefren, may, lovely, r2r, at lahat pa. naknangturon, yung mga nakalimutan ko, pasensya na po. pero nandito kayong lahat sa puso ko.

may raffle kaya ng instant pag-ibig ngayon? mukhang sa krisis na tinatamasa natin, nakikisabay si kupido. nagtitipid ata ng palaso si gago. ayun, walang masyadong tibok ang puso.

at habang ginagawa ko itong post na ito, amoy na amoy ko parin ang amoy baby na amoy ni kuyang gumawa ng net ko.

pakshet!

nangako naman siya na hindi pa stable ang connection ko.

hindi nya pa TINAPOS ang dapat gawin.

napangiti ako. ireresched pa daw ulit.


myk2ts r2r.png

05 February, 2009

Konti Na Lang

hmm, mahirap pala maputulan. madaming hindi magawa. nakakainis. ampakshetnaputanginang net ko. PUTOL. aagiwin na muna ito. sa susunod na muna ako magwawalis walis. hehe kita-kita nga pala tayo. sa lahat ng mga tao, kilala nyo na kung sino kayo. nakakamiss kayo. putek. ako ngayon ay pisanteng nakiki gamit sa kapitbahay. walang maiinis!
myk2ts r2r.png

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy