21 May, 2009

Si April at si May

sabi niya single siya. naniwala naman ako. parang naman kasi. hindi naman siguro siya nagsisinungaling... sana.

tinanong ko kasi siya. para hindi na ako nagaaksaya ng pag-ibig. mahirap kasi mag invest, tapos sa kalagitnaan malalaman mo naman na hindi pala puwede. ouchy diba?

kaya naniniguro na ko. mahirap makihati. mahirap ang share-share. mwf at tth schedule. atrasadong pasko, lahat. kumbaga nakaw na sandali.

last month pa daw sila hiwalay. Abril yun. Mayo ngayon eh.

pero bakit yuing huling larawan nila na magkatabi eh April 24th?

technically, pwedeng tanggapin na last month na diba?

pero kung bibilangin, wala pang isang buwan.

lusot parin kasi Ang Mayo ay iba kay Abril.

ako kaya? iba rin kay ex? o baka naman kasabay ni present?

:(
myk2ts r2r.png

13 May, 2009

Wala Akong Maisip Na Titulo Sa Kuwentong Ito

life has it's way of making us realize how lucky and unfortunate we are. sometimes it's ironic because we can't find what we are looking for. what we like. what we love. the reason? kasi masyado tayong malayo tumingin. we tend to oversee the things that could really make us happy and contented in life. we look. we wander. we search. and yet we get dissapointed dahil hindi natin makita kung ano yung hinahanap natin...

-- Enz, 19




naalala ko pa nung una kaming magkita. hindi ko akalaing makakasundo ko siya. malikot kasi masyado. madaldal. maingay. sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, naasar ako sa kanya. siguro dahil gusto ko na ako lang ang magulo. ang maingay. ang madaldal.

isang araw habang hinihintay namin si Mr. Rebolado para sa aming unang klase sa araw na yon, naisipan kong tumabi sa kanya. wala naman siyang reaksyon. isang tipid na ngiti lang ang binigay ko nung tanguan niya ako.

"ayaw mo ata sa upuan mo" sabi ni Enz.
"mainit duon eh. tabi ng bintana, baka umitim ako" sagot ko.
"kahit ano naman ang kulay ng tao eh. ang importante yung nasa ilalim ng balat mo"

nagtatalinu-talinuhan nanaman ang mokong. pa-talinghaga effect pa sa mga salitang binitawan. pero tama nga naman. kaya pinatulan ko.

"sabagay. may pagkakaiba ba ang maputi sa maitim pagdating sa ugali? wala naman diba?"

hindi na siya nakasagot. dumating na ang guro at nagsimula na ang klase.

yuon ang simula ng aming pagkakaibigan. simpleng usapan. palitan ng opinyon, batuhan ng kuro kuro. hindi ko akalain na sa taong ito ko pa maririnig ang mga salitang makakapagpamulat saakin. ang makakapag pahalaga sa mga bagay na nasa aking paligid. minsan masyadong nakapokus ang aking mata sa harapan. hindi ko nakikita ang mga bagay na nasa ibaba, sa gilid, sa tabi.

minsang kumakain sa canteen, nakatabi ko si Enz. nagtanong siya kung bakit daw ako magisa. sabi ko naman ayaw kumain nung iba kong kasama kaya susunod nalang ako sa kanila pagtapos ng kinakain ko.

"hindi mo naman kailangan mag-isa. minsan kailangan mo lang magtanong. mag-aya"
"o sige, tara, samahan mo ko, kain tayo" alok ko.
"sige, tapos na ko. pero sasamahan nalang kita"

maraming mga bagay na ginagawa si Enz na hindi ko nabigyang halaga. hindi ko napansin. hindi ko namalayan. kaya naman huli na ng maisip ko at maramdaman ang kanyang halaga. nasabi na nya yung mga kataga na nabasa mo sa unahan ng kuwentong ito. nakaalis narin siya at ang pamilya niya para manirahan sa Canada.

myk2ts r2r.png

11 May, 2009

Diva






myk2ts r2r.png

10 May, 2009

Nida Ang Pangalan Ng Nanay Ko

hehehe... siguradong magagalit ka pag nakita mo to. ayaw na ayaw mo kasi tong picture na to eh. sabi mo mataba ka tignan. after to ng walang humpay na lakaran natin sa Tampines. nagpabili ka ng inumin kasi nakakapagod. naisip ko kunan ka sa hagdan papuntang MRT Station. kaso kakapili ko ng artistic na angulo, ayun eto ang lumabas. nakasimangot ka pa. hehehe... pero kahit ano pa man, kahit sinasabi mo na mabilbil ka, kahit hypertensive ka, kahit na mainitin ang ulo mo minsan, kahit na tinatamad ka minsan magluto, ikaw pa rin ang BEST nanay sa buong mundo. nagpapasalamat ako sa iyo sa maraming bagay. hindi ko kaya isaisahin sobrang daming magagandang katangian ang nasaiyo. daig mo pa ata ang nag master's sa pagiging nanay. nakikiisa ako sa lahat ng anak na bumabati at nagmamahal sa mga inang katulad mo. hindi ako magiging ako kung hindi sa pagpapalaki mo. Ma, HAPPY MOTHER'S DAY.


P.S.

sana sa susunod na out-of-the-country natin, libre mo ulit ako ng airfare :)
myk2ts r2r.png

09 May, 2009

Tanong Ng Tanga

natatandaan mo pa ba yung istorya ko tungkol sa sportsfest?

magaling.

ngayon naman tulungan nyo ko.

niyaya nya kasi ako kanina. inuman daw. tutal off ko at naka leave siya.

"oo. sige ba, mamaya? yun lang pala eh"

hindi ako puwede. linggo de peligro na kasi. tapos may lakad pa kami ni mama. pwedeng next time na lang?

"wala kang lakad. at may pera ka pa! wag kang umarte. hindi ka diwata!"

nakakahiya naman kasi nga limited yung inuman natin, maganda pag engrande, yung di bitin. tapos yun... siguro next week promise...

alam kong meron siyang problema ngayon. problema sa pamilya ata. kelangan nya ng makakausap. mapaghihingahan.

part of me wants to go. be with him in his lowest point of existence.

pero alam kong hindi puwede dahil sasaktan ko lang ang sarili ko.
bibigyan ko lang ng dahilan ang kinakatakutan ko.

alam kong pwede akong uminom.
pwede akong magpakalasing.
pwede akong tumawa at umiyak ng kasabay niya.

pero ayokong gawin ang bagay na sa huli, ako ang masasaktan.

at hindi siya ang may kasalanan kung hindi ako.

ngayon, pwede bang magtanong?

tama ba o mali ang pagtanggi ko?
myk2ts r2r.png

07 May, 2009

Train Of Thoughts

umuulan nanaman. nagkalat nanaman ang ihi ng mga daga. sabi nga ni bj at bogs, magkuwento ako, sige na nga.

mahaba nanaman ang pila kanina sa tren. kung bakit araw araw akong nasa istasyon, hindi ko maisipang mag stored value ticket. dati ginagawa ko yun. less hassle nga, walang pila. tsaka parang lamang ka sa iba. mauuna ka sa tren ng bonggang bongga!

kaso, madalas ako mawalan ng stored value. laging kung kelan taas noo na ako sa may turnstile, nawawala na yung ticket ko. ending pipila nanaman ako, at siyempre-- mapapagastos.

yung convenience ng may ipagmamalaki ka sa tuwing tatayo ka sa harap ng turnstile, ibang klaseng langit yun. habang nakikita mo silang nakapila at naiinitan, naiinip at nahuhuli sa oras ng pasok nila, at ikaw ay eto na. isang pasok lang ng card, malayang makakatakbo na patungo sa platform. makakaupo sa malamig na kahon ng tren. makakapagnilaynilay habang naghihintay umilaw ang nasa taas ng pintuan. whew.

heaven diba?

tapos makakapa mong walang ticket na magdudulot sayo ng kakaibang karimlan ng kasiyahan.

ang sakit. parang yung taong mahal mo. hero ng buhay mo. kapartner mo sa hirap at ginhawa.

na naglaho.
nangibang-bahay.
nangibang-buhay.

move on myk2ts, move on.
myk2ts r2r.png

06 May, 2009

Back

am i? well, i just miss this world. miss the people. miss my rants and bouts about anything under the sun. im back and i know it'll be for good. i've changed my connections and now im glad i made the move.

to the people i owe, im sorry and im willing to pay in full-with interests. so be ready for my vengeance :)

myk2ts r2r.png

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy