28 August, 2010

Century Adobo

alam mo, marami akong paboritong ulam. lalo na kapag gutom na ako, mas lalong marami akong naiisip na paburito kong ulam. ngayong sabado ng umaga, weekend nga naman, kaya medyo late na gumising ang mga tao sa bahay. at dahil wala kaming katulong (mahal ang magpasuweldo, minsan malakas pa kumain) mas pinili ko mag babad muna at manood ng hindi piniratang DVD's habang nagaalmusal ng tinapay at kape.

lumipas ang mga oras at dalawang porn este pelikula, nakaramdam ako ng gutom at naisip ko na siguradong gutom na rin sila Puput.

*bukas ng freezer, manok, isda, baka, baboy, kalabaw, manok uli, isda, hipon, pugita, paa ng leon, manok.

habang namimili ako at lumalabas ang lamig na usok dala ng yelo sa loob ng freezer, naisipan ko mag adobo. masarap ang adobo. isa ito sa mga pinakasikat na lutuing-bahay dito sa pilipinas. at alam kong matipid dahil wala masyadong rekado at hindi madaling mapanis. minsang nagbaon ako nito nung elementary ako at di ko natanggal sa bag ko ang baunan ko. sa pagdaan ng maraming panahon, lumipas din ang tagsibol. inamag na ang baunan ko ngunit college na ko ng matuklasan ko sa bag ko ang munting baunan na may lamang adobo. fresh. good as new. lasang adobo pa rin at ishinare ko pa sa prof ko. yum!

sa hindi malamang dahilan ngayong hapon ng sabado, habang nag aagaw ang araw at ulap sa kalangitan, umuwing gutom si Maduk. kagagaling lang niya at ng mga alipores nya sa libing ni Mang Katso (sumalangit nawa.) umalis siya bago makapananghali kaya naman nararamdaman ko ang gutom niya.

*katok.pasok.lakad.kuha ng plato.sandok ng kanin.salok ng sabaw.ng hita ng manok.

nabuwisit ata at kung ano ano ang sinabi. tinanong ako kung ano daw ba ang hinalo ko sa niluto kong adobong manok.

mga sangkap:

  • manok, pitso, hiniwa at hinugasan.
  • bawang, tinadtad.
  • suka.
  • toyo.
  • asin.
  • paminta.
  • betchin, 2 taktak.

sa pagkakaalam ko, yun lang naman ang sangkap ng aking adobo. niluto ko sa maayos na paraan at tamang temperatura. nakakain naman kami ng maayos ngunit parang sadya yatang iba ang dating ng lasa ng nasabing ulam sa dila ni Maduk.

hindi kaya yung lasa ng adobong niluto ko kanina at yung adobong naimbak ng mahabang panahon sa aking baunan sa bag ay iisa?

"never ever tend to forget your lunchbox inside your bag. you'll never appreciate what's the surprise inside"

23 August, 2010

Sasali Ako!

Kung sa Tuesday ang Ms. Universe Pageant...

Sa September 1 naman ang...



sasali ka ba? ako? oo, sasali ako. hindi ako saling ketket dito.

myk2ts r2r.png

22 August, 2010

Im Over And Done

nakalimutan na kita.
hindi na kita gusto.
hindi ko iniintay ang mga text mo.
o nagaabang ng tawag mo.
ayoko na sa iyo.
wala akong pakialam sa gusto mo.
o sa mga ayaw mo.
hindi ko gusto ang kulay ng suot mo.
ayoko rin ng tabas ng pantalon mo.
wala akong hilig sa mga kantang pinakikinngan mo.
masyadong mababa ang mga ideyolohiya mo sa buhay.
hindi ko pinangararap ang mga pangarap mo sa buhay.
wala akong panahon sa iyo.
pangit ang boses mo.
di ko gusto ang buhok mo.
ang ilong mo.
ang kalaparan mg labi mo.
wala akong gusto sa mga pabangong gamit mo.
baduy ang kulay ng sinturon mo.
maigsi sayo ang barong mo.
nakakasuka ang relos mo.
walang sinabi ang kunsepto mo sa buhay kumpara ng saakin.
hindi mo mararating ang narating ko.
o matitikman ang mga nakain ko.
pupulutin mo at itatago ang mga basura ko.
di mo mararanasan ang mga dinanas ko.
di ka na makapagmamahal ng tulad ko, at


wala ng magmamahal sayo na kagaya ko.


lately, i know it's kinda annoying and i myself can say that im too much of being an emo. i am not good at this and i know i am doing it wrong, so i decided to stop ranting about someone who caused pain and tears and all the sh*t in me.

i've listed those that i want to tell him and i promise, this will be the last time that you will hear me say anything about him.

it's almost a year since, and the days have passed. things are different now and i should take the steps away from my previous path. i have learned a lot and those are the weapons that i'll use for my future battle in love.

kudos to those people who listened, stayed, respected and raised me up on a higher ground. i owe you guys a lot. words are not enough to describe my gratitude and my adulation. you can claim your free macchiatto soon :p

God, i know i have been bad lately, thanks for continously loving me. Your blessings are overwhelming. i love You.

at the end of the day, i know i have to deal with my complexities because i am my very own person.

cheers :D

--Myk2ts

18 August, 2010

Weekends Off :)

twitter and facebook are not enough for me to say how happy i am. it's been a year and it's not cool texting your friends for a nightout on a monday evening. most likely, they are busy doing things they usually do on a weekday, or, they simply can't afford to be with me--on a sunday night.

i'd like to thank the people behind this changes. now i can go out on a friday/saturday night without having to worry about my alibi as to why i smell booze or why my tounge is blue.

i don't need to file for a leave just to join my besties on their out-of-town trips scheduled every weekend.

i don't have to feel bad leaving early whenever there are parties held on a friday night because i have to log-in at exactly 1:00am (EST)

i know, it's been more than a year and i served my sentence. starting september, i can feel the warm breeze of a friday night without worrying if i used the same alibi twice if ever i need to skip work just to party all night.


yihaaa :)

16 August, 2010

Kantatero.

Simula na ng kanta. Naririnig ko na yung umpisa. Yung intro. Ayoko sana kaso pinakikiramdaman ko yung sarili ko. Malay ko ba, kung gusto talaga makinig ng tenga ko. Baka may maalala yung isip ko. Baka may maisip yung puso ko. Nasa bulsa ko yung iPod. Dun ko madalas ilagay yung gadget kong yun kasi hindi ako nakakatapos ng kanta. Daig ko pa yung mga radio dj’s kasi minsan, kapag narinig ko na yung intro, okay na ko. Kumbaga sa kasabihan, ningas kugon. Kung may pagkakahawig, hindi ko alam.


Narinig ko yung tipa. Yung unang linya. Yung buong kanta.


Naalala ko nung mga panahong, linya lang ng telepono ang pagitan namin.


Kinakanta nya palagi ito saakin. Minsan, hindi ko pa man sinasabi, bigla na lang nya kakantahin. Paborito ko raw kasi. Ganun daw ako kalakas sa kanya. At kung may boses lang ako kagaya ng kanya o ng umawit ng kantang ito, malamang, sa bawat munitong kausap ko siya, kakantahin ko tong kantang ito.


OA syempre. Exaggerated ako masyado sa huli kong sinabi. Malamang mainip at mabuwisit o di kaya mapaos lang ako kung ganun lang ang gagawin ko sa maghapon na kausap ko siya.


May mga bagay kaming pinag uusapan, madalas ay kung saan nagsimula at paano magtatapos ang kanyang araw. Kung ano ang kinain nya, kung anong oras siya nagising at kung sino ang ikalimang taong kinausap nya sa buong araw. Malaya siyang nagkukuwento. Walang humpay na wala naman kuwenta ang ilan, ngunit sa di ko maipaliwanag na dahilan, mataman akong nakikinig at walang kakurap kurap.


Parang isang prof na nagbibigay ng free answer sa finals. Ako yung estudyanteng akala mo ay nababasa ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Attentive.


Wala akong pakialam kung ano pa man ang nangyari saakin, kung meron akong ibang dapat gawin, kung sunog na ba ang aking sinaing. Wala, lahat yun ay baliwala.


Kahit si kitty ay di ko na rin napapansin.


May mga gabing kahit mas pinipili ng mata ko matulog, pinakikiusapan ko siyang ipagpaliban ang planong matulog. Mas gusto ko makipag usap sa kanya. Mas gusto ko marinig ang boses nya. Mas gusto ko pakinggan yung kuwento nya kung bakit ayaw nya na nakatayo sa bus sa umaga.


Pinaikot ko ang mundo ko sa kanya. Hindi nya hiningi, pero kusa ko nalang ginawa. Naalala ko, na turo saakin ng nanay ko na magkusa. Yung tipong gagawin ko na dapat yung mga bagay ng hindi na kailangan sabihin pa.

Hindi ko gusto na hindi ako nakatutok sa kanya. Hindi kumpleto ang araw ko pag hindi siya ang inuna ko.


Pagmamahal? Hindi siguro. Hindi ko alam pero wala pa atang salita na naiimbento para ihalintulad ko yung nararamdaman ko para sa kanya.


Nakakapagod? Hindi. Nakangiti kong niyayakap ang hingal ng lahat ng saloobin ng aking puso. Ng aking kabuuan. Ng aking pagkatao.


Masama? Siguro. Kasi miserable ako ng malaman ko na wala naman pala akong halaga sa taong tinuring kong hangin at tubig ng buhay ko.


Wala sa isip nya lahat ng bagay na para saakin ay kulang na lang ay itatak ko sa aking puso.


Kaya ngayon, habang pinakikinggan ko ang kantang ito, naawa ako sa sarili ko.


myk2ts r2r.png

09 August, 2010

Random

i kept staring at my screen trying to wish for words to appear. words that i cannot translate. i kept staring at the blinking cursor and tried to count how many times it will blink—idiot.

I speak my mind. A lot of people think I am nonsense. That I am just loud. That I am talkative. Sometimes I care, But most of the time, i don’t give a damn. It’s my way of expressing what’s within me.

I may hear your thoughts and suggestions, but I prefer to create my own ideas. I love God. I look up to people who know how to value God and ethics. I look up to people who know how to take care of themselves and their family. I like mind-boggling questions even if I can’t answer most of them. I like trivial things. I like long walks and long talks, even under the sun or in the pouring rain. I love eating ice cream while I am crying. I like cracking jokes whenever I am surrounded with serious and grumpy people. I like crying over sad love songs. I’m mushy, Sometimes, Cheesy. I love dancing when I’m alone. I like singing even if I’m always off key. I love spending time with my family and friends. I whine at times. I love music. I hate goodbyes. I hate Apathy. I hate prejudice.

I don’t think I have unique kind of personality. I don’t have any extra-ordinary powers or any mind-blowing talents. All I know is that, my Mom raised me well.

Sometimes I’m skeptic, especially when it comes to decision makings. but I don’t take my mistakes as a fault or as an error. I take it as a challenge and an opportunity to learn and to start a new. I know its okay to do crazy things for as long as you know how to handle the consequences after.

I have my fair share of rejections. I used to hate the way I look. I think it’s because of the superficiality of the world. But I am glad I learned how to value myself. Not just my looks, but my totality.

It’s okay to be selfish sometimes for as long as you are not over doing it. It’s okay to put your self first behind everything for as long as you know how to step back twice. I know how to appreciate others for their being and not for how they look.

♥ Mykee


myk2ts r2r.png

02 August, 2010

No Strings Attached.

parang isang gitara na walang kuwerdas. ganun ka walang kuwenta para saakin ang isang bagay na walang gamit. walang silbi.

minsan na nasabi saakin ng isang taong mahalaga ang bagay na yan. napanood ko na rin sa sine. may mga nabasang nobela na rin tungkol sa mga istoryang ganyan.

mahal mo siya at mahal ka niya pero walang kayo.

magulo diba? parang kulang. parang walang magiging tawag.

may mga bagay kayong ginagawa ngunit palaging may mga bagay na hindi pwedeng gawin. hindi maaring saklawan ng damdamin ang kaisipan ngunit ano pa ang silbi ng nararamdaman ng bawat isa? kung hindi rin naman gagawing opisyal?

naisipan kong magtanong pero nahiya ako. sino ba ang aamin sa ganitong sitwasyon? sinubukan ko maglakbay sa nakaraang pahina ng akong buhay at may mga kaisipan akong napulot:

una.

hindi naman inilihim ng isa na hindi siya naghahanap ng kahit anong relasyon. maliwanag sa simula pa lang na companion lang ang hanap nya. na masaya syang kasama si ano pero hindi nangangahulugang mahal na nya ito.

ganun lang. tipikal na nag eenjoy lang sa panandaliang sitwasyon.

pangalawa.

mahal nya si isa, ngunit dahil kagagaling lamang niya sa isang masalimuot na relasyon, natatakot siya. na masaktan o makasakit. kinikilala nya muna mabuti kung worth it ba ang gagawin nyang desisyon o baka magkamali lang sya at masaktan uli sa bandang huli.

naninigurado kumbaga. tsk tsk. hindi risk-taker. chicken.

pangatlo.

ang pinaka bad-vibes sa lahat. saktong malas lang talaga ni isa at nakatagpo sya ng taong kagaya ni ano. manloloko. mangagamit. pa-sweet at pa-fall.

yun na yun. wala ng ibang mababanggit pang pwedeng ihalintulad sa taong yun.

ganunpaman, ang kalalabasan lang naman ng ganitong sitwasyon ay pwedeng isa lang.

kasawian sa pag-ibig.

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy