16 March, 2011
Tweety Yellow
Pinakelaman ni
Myk2ts
at
Wednesday, March 16, 2011
4
Pakelamera
14 March, 2011
Aftermath
Pinakelaman ni
Myk2ts
at
Monday, March 14, 2011
0
Pakelamera
Labels: melodramatic chronicles, Myk2ts, ouch, pag-ibig etc...
01 March, 2011
Blank
i care none about what happened to me in the past months or even years. i happen to be in a limbo full of mud and i can't take myself out. everytime i use the net, i check on this page and whenever i want to start saying or typing something, my mind goes blank. i guess i need to be like Coelho or Maxwell just so i can write things i need to write about.
with what i said earlier, i think i miss having the motivations and inspirations to write. life has been good to me and with that, i'd like to thank the absence of negativities and what not. i am going to check my sanity soon enough so i can deliver good stuff in here.
promise :)
Pinakelaman ni
Myk2ts
at
Tuesday, March 01, 2011
0
Pakelamera
Labels: Myk2ts
24 October, 2010
Unfollowed.
sa bawat minutong lumilipas mula ng tagpong iyon, wala na akong hiniling kundi ang makita siyang muli. makausap. marinig ang tinig. at alam ko na sa bawat hiling na aking sinasambit, patuloy ang paglayo ng katotohanang mangyayari ang aking minimithi.
maraming luha ang naganap na dumaloy. mga salitang masasakit at minsan ay tagos sa dibdib. maraming araw ang parang hindi kumpleto at gabing walang haplos ng liwanag mula sa buwan na marikit. malungkot ang buhay na dumaan at walang tigil ang pintig ng pusong parang pinatay dahil sa bugbog ng kalooban.
mahal ko parin siya. INAAMIN ko na hanggang sa mga oras na ito, habang isinusulat ko sa buong mundo ang nararamdaman ko, siya parin ang nilalaman ng puso ko.
pero hindi yata ako handa na makita syang muli.
dahil sa pagkakataong ito, sa bawat hakbang niya palapit sa kinalulugaran ko, pilit ko iniiwasan ang kanyang sulyap na maaring dumapo sa kinatatayuan ko.
wala akong magawa kundi ang mahilam sa luha mula sa aking mga mata. akala ko ay kaya ko ng harapin ang isang taong may malaking dahilan kung bakit ang pag-ibig ay totoo at hindi para saakin.
lumayo siya ng hindi ako napapansin. kagaya ng damdamin ko na sakanya'y walang silbi.
mabigat sa paa, ngunit kailangan kunin ang hakbang patungo sa tamang daan. sana ganoon lang kadali ang kalimutan siya. dahil kung ganoon, tatakbuhin ko itong nakapikit at hindi ako titigil pa.
Pinakelaman ni
Myk2ts
at
Sunday, October 24, 2010
2
Pakelamera
Labels: melodramatic chronicles, ouch
19 October, 2010
Juan Ang Pangalan Ng Bagyo
sa lahat ng ayoko ay yung naiistorbo ang tulog ko. para saakin, napaka banal ng pagtulog ng isang tao. ang tanging inirerespeto ko lang kapag ginigising ako ay ang alarm clock at ang nanay ko. alarm clock dahil ito rin ang telepono ko at syempre nanay ko yun' dapat talagang irespeto :)
ngunit ano nga ba ang magagawa ko kung nagising ako ng patak ng ulan sa gabing madilim? may bagyo alam ko ito, at nananalanta ito sa sangkapuluan ng luzon. so kesa sampalin ko bawat patak ng tubig ulan at sigawan ang hangin, nag isip na lang ako ng mabuti.
eleksyon, bills, baranggay captain, RH Bill, Glee, Dreamgirls...
aha, panaginip...
dahan dahan akong pumasok sa Nike store sa High Street. wag kang mag alala at hindi ko rin alam kung bakit sa Nike store at kung bakit sa FBHS ang lokasyon. hindi ko rin alam kung bakit walang background music. siguro dahil nga sa ayaw na maging kumplikado ng panaginip ko para sa iyo.
hinanap ko raw si Jean sa manager, sabi nung manager na babae sa panaginip ko, wala daw, naka leave, then i asked His name, asa isang rack daw, may inaayos, kaya naman nag lakad ako papunta sa rack, nakita ko Siya, alam kong nakita nya rin ako pero patay-malisya sya, panakaw sya sumisilip kung nakaalis na ba ako o kung tinititigan ko parin ba Siya. aba, kahit pala sa panaginip ay iniiwasan ako ni Loko. okay sige, eexit na ko.
pero naisip ko, pati ba naman sa panaginip ko ako ang talo?
pati ba sa mundo na ako ang may control e wala akong magawa?
hindi ata pwedeng ganun...
bumalik ako, at tumalikod, alam ko na tumayo na rin sya at patungo sa direksyon ko, hindi para batiin o habulin ako pero para lalong magtago. pero sorry dahil mas maagap ako. sinalubong ko ang kanyang tingin. tingin na alangan at napipilitang ngumiti. tinignan ko siya sa mata, nginitian ko siya at alam ko na kahit sa panaginip ay nakuha nya ang gusto kong iparating...
hanggang sa tumulo ang tubig ulan saaking pisngi na mula sa kisame.
tumulo rin ang luha sa pisnging tinuluan ng tubig ulan mula sa kisame.
naglandas ang luha at nagsanib ang damdamin.
bumangon na ako at pinilit kumilos.
alam ko na kasabay ng paglisan ng Bagyo ay siyang pag alis ng kapangalan niya sa buhay ko.
Pinakelaman ni
Myk2ts
at
Tuesday, October 19, 2010
0
Pakelamera
Labels: cryers, melodramatic chronicles, Myk2ts, ouch, pag-ibig etc...
28 August, 2010
Century Adobo
lumipas ang mga oras at dalawang porn este pelikula, nakaramdam ako ng gutom at naisip ko na siguradong gutom na rin sila Puput.
*bukas ng freezer, manok, isda, baka, baboy, kalabaw, manok uli, isda, hipon, pugita, paa ng leon, manok.
habang namimili ako at lumalabas ang lamig na usok dala ng yelo sa loob ng freezer, naisipan ko mag adobo. masarap ang adobo. isa ito sa mga pinakasikat na lutuing-bahay dito sa pilipinas. at alam kong matipid dahil wala masyadong rekado at hindi madaling mapanis. minsang nagbaon ako nito nung elementary ako at di ko natanggal sa bag ko ang baunan ko. sa pagdaan ng maraming panahon, lumipas din ang tagsibol. inamag na ang baunan ko ngunit college na ko ng matuklasan ko sa bag ko ang munting baunan na may lamang adobo. fresh. good as new. lasang adobo pa rin at ishinare ko pa sa prof ko. yum!
sa hindi malamang dahilan ngayong hapon ng sabado, habang nag aagaw ang araw at ulap sa kalangitan, umuwing gutom si Maduk. kagagaling lang niya at ng mga alipores nya sa libing ni Mang Katso (sumalangit nawa.) umalis siya bago makapananghali kaya naman nararamdaman ko ang gutom niya.
*katok.pasok.lakad.kuha ng plato.sandok ng kanin.salok ng sabaw.ng hita ng manok.
nabuwisit ata at kung ano ano ang sinabi. tinanong ako kung ano daw ba ang hinalo ko sa niluto kong adobong manok.
mga sangkap:
- manok, pitso, hiniwa at hinugasan.
- bawang, tinadtad.
- suka.
- toyo.
- asin.
- paminta.
- betchin, 2 taktak.
sa pagkakaalam ko, yun lang naman ang sangkap ng aking adobo. niluto ko sa maayos na paraan at tamang temperatura. nakakain naman kami ng maayos ngunit parang sadya yatang iba ang dating ng lasa ng nasabing ulam sa dila ni Maduk.
hindi kaya yung lasa ng adobong niluto ko kanina at yung adobong naimbak ng mahabang panahon sa aking baunan sa bag ay iisa?
Pinakelaman ni
Myk2ts
at
Saturday, August 28, 2010
5
Pakelamera
23 August, 2010
Sasali Ako!
Kung sa Tuesday ang Ms. Universe Pageant...

sasali ka ba? ako? oo, sasali ako. hindi ako saling ketket dito.
Pinakelaman ni
Myk2ts
at
Monday, August 23, 2010
0
Pakelamera




