12 July, 2008

zZzZz

maingay ako pag gising. sabi nila, lalo na kapag tulog. may mga panahong sobra ako mag snore. minsan naman, slight lang. depende kung pagod, lasing, o minsan kapag broken hearted.
nakakahiya nga minsan kapag may outing, o kaya naman sa simpleng sinehan lamang habang nanonood ako ng boring na pelikula. o kahit nung panahong bampira pa ako, pag pauwi na sa umaga galing sa hanap-buhay. nakakahiya kasi pag naidlip ayun... nagkakanda pilipit yung katabi mo, either sa inis o sa pagpigil ng pagtawa.
ang pangunahing dahilan ng paghilik ay ang pagliit ng daluyan ng hangin sa tuwing natutulog tayo, o minsan, dahil sa abnormalidad ng mga soft tissues sa ating lalamunan. minsan naman, dahil weird ka pumwesto sa kama, apektado ng pagka creative ng pusisyon mo sa pagtulog ang katahimikan ng gabi ng katabi mo.
maraming tunog ang pag hilik:
  1. PASWEET-Yung tipong parang sumisipol na akala mo tumatawag ng hangin sa maalinsangang gabi.
  2. ARANGKADA-Tunog ng hilik na para ka lang nasa kalsada at naririnig ang tambutso ng jeep na sinasakyan mo papuntang Avenida. mahaba. walang katapusan.
  3. KALOKA-Literal na nakakaloka. parang kulog ang hagok with matching taas pa ng paa tuwing bibirit. akala ko noong una ay hindi totoo ito. hangang sa ng masaksihan ko, yun na. KALOWKA talaga.
  4. CHORUS-Tunog ng hilik kapag marami kayong nasa kwarto at sabay sabay na humahagok. pwedeng dahilan ng sobrang kalasingan ng barkada nyo o simpleng talent lang ninyo parepareho. parang PhilHarmonic Orchestra na kumakanta, binabangungot version.
  5. COMBO-Hilik na may kasamang Utot.
  6. CLASSIC-Natural na tunog ng paghagok. parang gutom na baboy.

may mga dahilan din kung bakit nahagok tayo kapag sleeping beauty. ito ay ang:

  1. namamana ang structure ng ating lalamunan kaya kapag namana mo ang maliit na lalamunan ni erpats, pihadong snore ka ng bonggang bongga.
  2. maaring dahil din sa edad natin kung bakit tayo naghihilik. sa pag tanda, nagiging makitid ang ating air passage kaya traffic galore sa lalamunan. at kapag traffic, ang tendency ay bumubusina ang mga sasakyan sa edsa. sa kaso ng lalamunan, nagkakaron ng vibrations ang pressure ng hangin sa ating paghinga. kaya ayun, sound of music este snoring ang eksena.
  3. kapag sinisipon at di kaya ng liquid sosa ang pagkabarado ng ilong natin, nagkakaroon ng harang ang daanan ng hangin. dahilan upang mag create ng snoring sound.
  4. kung tayo ay medyo maraming reserbang taba sa katawan, may tendency din tayong humilik sa dahilang ang taba sa ating leeg ay nakakaapekto sa maayos na daloy ng hangin saating lalamunan. at kapag hindi maayos ang daloy ng hangin sa lalamunan, sira ang gabi ng katabi mo dahil sa hagok mo.

ano at anu pa man, kailangang remedyuhan ang paghihilik di lamang para sa ikatatahimik ng kwarto mo, kundi para din sa pansariling kalusugan ng dumaranas nito. isang indicator ng heart disease ang paghilik. may mga kasong naitala, na ang isang taong naghihihilik ay merong heart problem. maaring barado ang ibang ugat na nakakaapekto sa maayos na pagdaloy ng dugo, o pwede din namang niloko sya ng boyfriend nya at ipinagpalit siya sa bestfriend nya...

asar!

1 Pakelamera:

TENTAY™ said...

Ahahahah anlakas ko daw humilik ang kaso di ko alam classification. shet nakakahiya lol

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy