nanood ako ng DVDs kanina habang naghihintay ng kapalaran ko dito sa Lion City. aba naman kasi dito. mahirap hanapin ang kabuhayan. kailangan ng sipag, tyaga, tibay, determinasyon, tapang at higit sa lahat, ay ang pananampalataya.
habang umuusad ang araw sa kalendaryo ay patagal ng patagal ang paghihintay ko. kung minsan nga ayoko ng alamin ang araw.
nakakuha na ako ng ilang interviews at napabilib ko naman sila sa mga sagot ko. nagamit ko kasi ang mga linya ni ate Melanie Marquez. nakita ko pa ngang pumapalakpak yung tenga nung asst. manager for recruitment eh. pramis!
kaso nga, dahil banyaga ako sa kanila, mahirap makisiksik sa emperyo ng mga locals. para akong makulit na sinulid, na kahit ilang beses na nilawayan, hindi parin maipasok pasok sa butas ng karayom.
nakakalungkot na habang lahat ng tao sa paligid mo ay namomroblema sa trabaho nila kinabukasan, ako naman ay namomroblema kung kelan ako mamomroblema sa trabaho ko.
pilit ko na lang pinagkasya ang sarili ko sa panonood ng "Madrasta"
naloka tuloy ako sa linya ni Mega:
"You're absoloutely right. I was never your partner. I'm just your wife, kaya hindi mo ko nirerespeto!"
sabay walkout at tawag kay KC.
mag artista na lang kaya ako???
wag.
kakatakot.




4 Pakelamera:
Dahil dyan dapat gamitan mu sila ng linya ni Ate Guy sa pelikulang "I Can't Stop Loving You"...
Nora to Miguel Rodriguez: Ito ang tandaan nyo! Babalik ako dun sa itaas! At kapag nasa itaas na ako, duduraan ko kayo!
Yun!!!
LOL
Goodluck sa iyong jobhunting. :)
@ronnan,
panalo. tatlong palakpak tayo sa linya ni ate guy jan.
im sure maplema ang dura ni nora.
"magnolia delacruz ang ngalan ko at ang hindi nagbibigay galang sa ngalan ko ay tanging aso lamang! asoo!"
@mugen
thanks mugen. hay kaya ko to. :)
Post a Comment