24 July, 2008

Road to Nowhere


paulit ulit ko na dinaanan tong daan na ito. wala naman nagbago. yun parin ang ayos ng sementadong kalsada. malamig. matigas. walang puso. kung sabagay, ang buhay ng tao ay parang paglalakbay. patuloy na paghahanap ng mga bagay na makakapag bigay saatin ng saya, ligaya, ng yaman. pero minsan, hindi ba nakakapagod ang paulit ulit na pag daan sa kalye ng buhay? yung wala ng pinag bago. walang pinag iba. sa tagal ko ng tinatahak ang landas na ito. masasabi kong hindi lang ako minsan nadapa. hindi lang ako minsan gumapang. hindi lang ako minsan tumakbo.


"kung sabagay, ang buhay ng tao ay parang paglalakbay. patuloy na paghahanap ng mga bagay na makakapag bigay saatin ng saya, ligaya, ng yaman. "

madalas na malubak ang daan. minsan madulas. minsan tama lang, minsan naman maputik. madalas ding nakakaligaw. pasikot sikot, paikot ikot. paliku liko. kung ating iisipin, masakit sa binti kung walang tigil natin itong lalakbayin. nakakapagod, nakakahingal. nakakaligaw.

maraming beses pa akong dadaan sa kalyeng ito. maraming beses parin ako ihahatid ng daan na ito patungo sa kung anumang merong naghihintay saakin.

ang mahalaga ay maglalakad ako. hahakbang. aapak

dahil kagaya ng daang ito, patuloy ang buhay.
salamat kaibigang cedric para sa larawan

5 Pakelamera:

Ehjayculate said...

wala bang jeep diyan sa landas na iyong tinatahak?

pero seriously .. i feel you on that! ... nakakapagod ... ang habahaba ng daan ... at walang mga sign kung gaano pa karaming kilomtero at miles pa ang iyong tatahakin!

kung mabilis man iyong takbo ... may darating at darating na buaya para patigilin ka at gawing miserable ang buhay mo ...

ngaunit papaano kung isang araw, sa hindi inaasahang panahon ehh marating mo ang pitchfork road? ... anong landas ang tatahakin mo?

echos lang gusto ko lang magpaka profound! ... lol

. said...

Pareho atang highway ang tema ng blog natin ngayon. :)

Jhamy whoops! said...

hahahah korek si Ejiikiieru .. wal a bang jeep o bus jan?hehehe.. lol

pero..lahat naman tayu my sari-sariling daan na tinatahak,, minsan nga lang nakakpagod dahil maraming beses tayung natatapilok at sumusubsob..

ang pinakaimportante naman ay tama yung daan na tinatahak mo at hindi ka nawawalan ng pagaasa, kahit halos barag barag na ang loob mo..


*amen*

Myk2ts said...

amen to that @jhammy

hay buhay talaga, parang EDSA

Myk2ts said...

@MUGEN

nauso ata highway...eto at nakikinig nga ako ng "i am the highway" ng audioslave eh..

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy