25 July, 2008

si Carmy Martini

"What goes around, comes around.
What goes up, must come down.
Now who's cryin, desirin to come back..."
--alicia keys, KARMA

Napanood ko sa RatedK yung episode tungkol sa karma. sabi ng isang buddhist monk, ang karma daw ay ang epekto ng ginawa ng isang tao. mabuti man o masama. ito rin ay ang enerhiya na ginagawa ng isang tao base sa ating pang huhusga. mahalagang malaman ang pinanggagalingan ng negative karma upang maisatuwid o maiayos ito. dahil kung hindi ay paulit ulit lang ang epekto ng negative karma. sabi sabi rin na ang karma ay hindi namamana. na kahit masama ang naging ugali ng magulang mo, hindi ikaw ang magiging tagapagbayad nito.

may nagsasabi rin na digital na ang karma. mabilisan na ang balik nito. high-tech. yung tipong hindi ka ready pag dumating. walang pasabi. walang warning.

ano't ano pa man ang ibig ipakahulugan ng karma, para saakin, ang tamang gawain ang sikreto upang maging maluwag ang buhay. totoo ang karma. nasaksihan ko na ang lupit nito. marami na ang binawian nito ng bonggang bongga.

patuloy ang ikot ng buhay, sabi nga ng matatanda, bilog ang mundo. dapat nating isipin na lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan. samakatuwid, lahat ng bagay na ginagawa natin, may kapalit.

mabuti man o masama.

naalala ko tuloy yung linya ni Regine sa pelikulang DoReMi:

Regine to Mikee and Donna: "Girls, wag na kayong malungkot, sabi nga ng lola ko, when God closes the doors, He opens the windows"

talagang with s yun, pinakinggan ko mabuti.

8 Pakelamera:

Jhamy whoops! said...

tsk..si karmy talaga kapag kumatok sa pinto ng tao, nakakapangilabot talaga!!

tsk.. ako naramdaman ko na den un.. at gerl.. gapang kung gapang!

haayy.. life.. oh.. layp..

TENTAY™ said...

Ayoko na nga tuloy gumalaw. nakakatakot. naranasan ko na makarma at nakarma sila dahil naging bad sila. pero ayoko na makarma. grabe... doble balik talaga... at grabe pasaket... keya eto epekto sakin naging retarded na ko.

. said...

ako naniniwala sa karma. :)

Myk2ts said...

@tentay
katakot nga yung karmina martini mare. minsan kakaparanoid dava?

@mugen
ako den, naniniwala. pareho tayo. ang galing!

Savage Heart said...

Dahil sa Karma na yan isa lang ang masasabi ku at huhugutin ko ito sa pinakailaliman... Habang nagkikintaban ang aking mga dyamanteng hikaw,nanakot ang dark na eye shadow sa aking mga mata with the isabel granada pilik mata, samahan na natin ng sheryl cruz na tinease na bangs at cobra hair na sobrang tigas dahil sa spraynet, ang panalung pading...

and I wil quote Sharon Cuneta sa Babangun ako at Dudurugin kita:

Sharon: Via Andrada kung minsan nakakalimutan mo kung nasaan ka at kung sino ang kaharap mo. Alam mo, ngayon pa lang ay pwede na kitang patayin… pinagpapawisan ka!? Jaime! Itapon na ang basurang ito!!!

Sabay tawag sa cellphone at tinatawagan si Gobernador para ipasok na ang mga epektos at kargamento!! hahahaha

Shoshyal napaka Sendikato ang drama!! LOL

Myk2ts said...

mareng ronnan,

binaril nya muna yung gulong ng auto ni via andrada bago sya tumawag kay gob. hehe

hihiramin ko yung linya ni hilda koronel:

hilda to sharon: hayuuup...hayuuuuop!

Savage Heart said...

@Mykee

10 points mars para sa Hayuupp na linya!!! with conviction yun habang dinideliver ang lines.. LOL

At sasagutin kita gamit ang linya ni Gloria Romero sa pelikulang Bilangin Ang mga Bituin Sa Langit:

Gloria to Nora: Mataas kang magsalita. Baka nakakalimutan mong ang mga langgam kapag umagapay sa kalabaw, nadudurog kapag tinapakan.

Yun!!! habang may hawak na wine!!! LOL

Myk2ts said...

perfect si tita gloria mare. di ko kinaya ang linya nya na yun

mas perfect ang linya ni gloria sa pelikulang Kurdapya:

"magkano yung tinda ninyong suka? yung sasa"

panalo!

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy