madalas kaming magkakasama. iba't-iba naman kami ng personalidad. ganun naman talaga siguro ang magkakaibigan. iba-iba ang hilig, pananaw, at ugali. pero pag nagsama-sama. iisa.
nino,mykee,she,anneNino/Jaboom- Partners in crime kami nito. literal. sa lahat ng bagay. food, lalaki, music, food, lalaki, food, fashion, shoes, food, lalaki, at bago ko makalimutan, food at lalaki. we have our fair share of bitching around and boy we can laugh. but we know how to respect people. isang kaibigan sa tawanan at pamilya sa oras ng kalungkutan. marami na kaming pinagdaanan. awayan, saya, lungkot, takot at sarap. di nag-iiwanan... miss na miss ko na talaga ito ng sobra. isang kapatid. kakampi.
kapamilya.
tunay na kaibigan.
She-Melancholic. isang napakalalim na salita. kapagod itype. sa tinagal tagal naming magkakasama, ito ang kasabay ko papunta at pauwi. kailangan kong gisingin at baka lumampas. kailangan kong ipara dahil nahihiyang pumara. matakaw pag kami ni jaboom ang kasama. nomoera. mahilig sumayaw. iyakin. tunay at tapat magmahal. kagaya ko at ng lahat. isang tawag mo lang, tiyak na maasahan.
kakampi.
kapamilya.
tunay na kaibigan.
Anne-Class at jologs in one. tipo ng kaibigan na hindi ka uuriin kung ano at sino ka. hindi ka tatalikuran at iiwanan. isama mo man sa palengke, o sa sosyalan, keri sa kanya. tunay na tao. mapagmahal, mabait at matulungin. malakas tumawa. malakas uminom. malakas umiyak.
humble in life that's why she's blessed. knows how to value friends more than any luxuries in life.
kakampi.
kapamilya.
tunay na kaibigan.




1 Pakelamera:
aawww... cryer... hahahha... miss you taba! este mare! mwah! :)
Post a Comment