mahirap na estado ng kamalayan ang pagiging bitter. madalas tayong nasasaktan na malaman ang katotohanan na hindi natin matanggap. na tayo ay talo. na tayo ay bigo.
oo nga naman. tuwing naglalaro kami ng piko, at may dalawang bahay na ang kalaban ko. naiinis ako. nagagalit. napipikon.
oo nga naman. tuwing naglalaro kami ng piko, at may dalawang bahay na ang kalaban ko. naiinis ako. nagagalit. napipikon.
sana mataya sya.
sana mapunta sya sa bahay ko.
sana lumampas sa guhit yung pato nya.
sana kunin sya ng alien.
sana tumaas yung bill nila sa Meralco.
madalas tayo (kabilang ako) maghangad ng di masyadong maganda sa taong nanakit saatin. aminin na natin sa sarili natin yan. ang pagkakaiba nga lang ay ang antas o level ng gusto nating gawin o mangyari sa kanya. mapa-sa isip o sa katotohanan.
may morbid...meron ding light lang. depende saatin.
mahirap sabihing hindi ka na nagtatago ng ampalaya sa puso mo. lalo na kung ang sarili mo ang kukumbinsihin mo. madaming beses ko na ginawa yun. palpak parin.
marunong din naman akong umarte. kakapanood ko ng workshops ni Gina Alajar. kaya ko ipakitang masaya na ko. nakakatawa at nakakatulog. higit sa lahat nakakakain. kaya kong sabihin at isigaw sa mundo na okay ako. na masaya na ako. na moved on na ko. na okay lang na makita ko silang magkasama.
sinong niloko ko?
tama. pwedeng maniwala sakin ang mga kaibigan ko at ang lahat ng senador sa Malakanyang na okay na ko. na wala na ang sakit. malaya.
pero sa sarili ko, malabo. hindi maitatanggi. hindi maitatago.
i'ts okay to indulge myself with pain. take my time to heal, and not to hurry. besides, it's my part of hell. i know in time, ill have my sweetest revenge.
bitter? oo. natural lang. tama lang. okay lang.
mahirap itago ang nararamdaman. madaling mabulok. bumaho.
kung makita man nya kong miserable, ayos. kung matatawa sya, ayos. kung mag mukha akong tanga, ayos pa rin.
hindi ko hawak ang isip at puso nya. ng iba. ng lahat ng tao.




4 Pakelamera:
CHE!!! hahaha... akala ko pa man din gagawa ka nung about sa my-ex-daw-now-jowa-again...
hehe. thoughts are not complete yet. soon. antabayanan mo.
huy huling huli mo ang nararamadaman ng karamihan (present!)
nagiisip ako, bakit hangang ngayon, bitter parin ako sa nangyare sakin kahit 2 months na ang nakalipas....
siguro kasi, galit pa ko....
dinibdib ko ang bawat sinabi mo... =(
teka, bakit pala sa chatbox ko ikaw nagcocomment? heheheh.
aba-aba...uso pala ang bitter sa blogsphere.:D
hehe...sabi nila hindi ka daw makakapag-move on hanggat walang bago.:O
Post a Comment