20 August, 2008

Hayskul

"handa na akong masaktan uli"
--Iris
hindi nakakilos si Eli. hindi nya akalaing sasabihin ni Iris ang mga salitang yun matapos nya makamit ang matamis na oo. labis labis ang kaligayahan na naramdaman nya ng mga oras na yon...

matagal ng magkaklase si Eli at Iris. simula highschool, magkasama na sila sa iisang classroom. hindi man madalas magusap, madalas silang nagkakahulihan na sumusulyap sa isa't isa.

JS Prom. hindi mapakali si Eli. paano nga ba nya yayayain si Iris?

magalang na tumanggi si Iris ng tanungin sya ng gwapong si Ron kung pwede silang partner sa prom.
"pasensya na Ron, may na partner na ako eh, salamat ulit"
pero nag aalala siya na baka hindi siya yayain ni Eli. paano na yung hiniram nyang dress? isusuot pa naman nya ang bagong hikaw nya sa prom. pero nakakahiya namang pumunta ng walang escort diba? kung bakit ba kasi hindi pa nya tinanggap ang alok ni Ron...

Nagulat si Iris ng sunduin sya ni Eli ng gabing yon sa kanilang bahay. sabay nalang daw silang magpunta sa prom, wala naman daw kasi silang kaparehang dalawa.

dumating ang araw ng pagtatapos. katapusan at simula ng bagong kabanata ng kanilang buhay.

may aalis at darating sa kanilang paglalakbay.

naiwan si Eli sa Quezon. duon nya ipinag patuloy ang kanyang kolehiyo. sa maynila naman nag aral si Iris. pinag aral siya ng kanyang tiyahing dalaga. nakakaalwan kasi sa pera.
"ingat Iris, Congratulations! Happy Graduation"
"salamat, Eli, Godbless"
yun ang huli nilang pag-uusap.

matapos ang kolehiyo, lumipad si Eli upang magtrabaho sa Dubai. nag trabaho naman si Iris sa isang matatag na kumpanya sa Makati.

nagkaroon sila ng kanya kanyang buhay. ng kanya kanyang tagumpay. ng kanya kanyang pag-ibig.

na hindi naman naging matagumpay. lalo na ang kay Iris.
nagmahal.
nagbigay.
nasaktan.
niloko.
sumugod.
nageskandalo.
binugbog.
hiningan ng tawad.
nagpatawad.
tumanggap.
naloko. ulit.
nasaktan. nanaman.
nagpatawad. ulit.
nagpakatanga.
nagpaloko.
iniwan.

nang bumalik si Eli, pinagtagpo sila ng tadhana.

Nagkaligawan.

pero pormalidad na lang yun ng tunay na damdamin nila para sa isa't-isa mula pagkabata.

pero hindi naging madali kay Iris ang magdesisyon. ang magtiwala. ang magmahal.
ulit...

lalong hindi naging madali kay Eli ang makitang nagkaganon ang babaeng minamahal nya simula ng sila ay highschool pa lamang. ang babaeng kahit kailan ay hindi nya kayang lokohin at saktan. ang tanging babaeng hindi naging laman ng kanyang pantasya sa tuwing siya ay mag mamaryang palad. ang babaeng inirerespeto nya kahit lasing na lasing na sya. ang babaeng ihaharap nya sa dambana.

ang babaeng dahilan kung bakit hindi sya naging maligaya sa mga naunang relasyon nya.
si Iris.

ang kanyang pangarap. ang kanyang panalo. ang kanyang buhay.
hindi sya kailanman minadali ni Eli. hindi rin nya ito nakitaan ng kahit anong pagkainip o paghihintay.

kaya ang pagtanggap ni Iris sa katotohanang handa na siya masaktan muli ang nag paagos ng luha sa mga mata ni Eli.

"buhay ko ang kabayaran sa bawat hikbing maririnig ko sa iyong mga labi"
--Eli

16 Pakelamera:

Bloom said...

sushaaaaL! laaaaveeeet. hahahaha. lalo na ang binitawang last line ni eli! WINNIE MONSOD mareeee! kinabog ang binitawang salita ni JB sa MAGING SINO KA MAN na I NEVER SAID THAT I LOVE YOU! hahaha.

"buhay ko ang kabayaran sa bawat hikbing maririnig ko sa iyong mga labi"
--Eli


PANALOOOOo!

Bloom said...

sushaaaaL! laaaaveeeet. hahahaha. lalo na ang binitawang last line ni eli! WINNIE MONSOD mareeee! kinabog ang binitawang salita ni JB sa MAGING SINO KA MAN na I NEVER SAID THAT I LOVE YOU! hahaha.

"buhay ko ang kabayaran sa bawat hikbing maririnig ko sa iyong mga labi"
--Eli


PANALOOOOo!

Jhamy whoops! said...

ang tanging babaeng hindi naging laman ng kanyang pantasya sa tuwing siya ay mag mamaryang palad.

---- huwwwwwwaaaaatt? rated 18 ang post mo mare! heheheheheh!! nakakatuwa talga ang mga istorya mo! =)

Myk2ts said...

bloom,
tinalo din nyan yung linya ni alma moreno sa pelikulang ASWANG

"kathleen, ako ang nanay mo!"

hihihi.

axuli, yung huling linya ni eli, sakin na galing. yung sa totoong buhay kasi, di na sya nakapagsalita. naoverwhelmed, nag liptolelap na lang. hihi

Myk2ts said...

haha, di alam nila tutuy at nini yung maryang palad mare. haha... modified story yan ng mga kaberks ko, nilagyan ko lang ng kaunting kulay :)

salamat sa award :)
natatawa parin ako sa ANG T-BIRD AT AKO ni she
hahha

Anonymous said...

hala...
may istorya na din dito...huwaaat???

lol.

kala ko may part 1 and 2
heheh...

Myk2ts said...

@ stan.
hindi... harhar

short story lang to, parang komiks :)

haha

lucas said...

wow..so this was based from real life story... really classic. naalala ko tuloy yung JS Prom ko nung HS... hays... sobrang kabado talaga ako ng yayain si glad para makadate sa prom. hehe! pero unlike ni Ron, pumayag naman xa sakin! hahaha! 2 years ko naging ka date si glad sa prom. cool eh... but sadly our story is nothing compared to your friends'...

---

grabe nga yun. may pera ka nga mawawala mo naman lahat. yung napanood ko wala xang naiuwi... nawalan pa xa asawa... cruel...

Ehjayculate said...

michael ... based on eperience ba to!? ahhaha ... panalo! :D

Roland said...

napaka-fast face naman nito... di ko namalayan tapos na pala binabasa ko.

totoo yung sinabi ni ron... minsan mapait ang kapalaran... may mga nag-aabroad... minsan wala ng naiuuwing pera... wala pa ring nadadatnang asawa... naagaw ni pare, haha!

pwde magtanong... ano yung nagmamaryang palad?

Myk2ts said...

ron,
onga, alam mo kawawa yung ibang ganun. dami ko nakakausap dito na after working for how many years, wala pa ring nangyayari. hay. tragic no?

Myk2ts said...

ejii, oo true-to-life ang eksena haha

Myk2ts said...

ejii, oo true-to-life ang eksena haha

Myk2ts said...

ronald, asus. parang jacklyn jose lang yun...

tama nga si ron. tragic talaga yung mga ibang magkukumpare. haha

Roland said...

sino si ronald?

Myk2ts said...

typo error, sorry po roland

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy